Rude Doctors

Have you encountered rude doctors? Visited a specialist today for the first time to have our 2yo son checked. As a former medical representative, alam ko naman na may mga mataray/ strict/ masungit doctors talaga and you just have to tough it up and deal with their character. But I feel like now na I am a mom, nakaka offend yung sinigaw sigawan ang anak ko sa loob clinic. I get why 'sermon' yung approach nya sa pag explain sa condition ng anak ko kasi nga there are things na ginawa namin na mali as parents. Okay. Gets ko yun. But yung sinigawan nya yung son ko for exploring the clinic (hindi naman sobrang likot but lakad ng lakad kasi nga new environment for the kid) parang over naman. Part ba yun ng theatrics nya? Sasagot na rin sana ako ng pabalang kaso I need her kasi siya lng ang specialist nearest to us. (ex. Hindi ho kami ignorante doc. I-explain nyo lang ho sana ng maayos. Hindi nyo ho kailangan sumigaw. Di ho ako bingi.) Nakakagigil lang kasi well respected and highly recommended siya. Masama lang ang approach niya sa patient. Eh nag babayad naman ng maayos at pumila ng tama para makita siya. Maybe she had a bad day? Ang sa akin lang, kahit ikaw na ang pinaka magaling na specialist sa mundo, magkakasakit at mamamatay ka rin. So sana ayusin mo rin yung pakitungo mo sa ibang tao, sa mga batang patients mo to be exact. Meron po bang same experiences sa akin? #1stimemom #advicepls #firstbaby

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel bad din sa ibang OB na nagpapakita ng invalidations. Pilit ko tuloy kinukumbinsi mommy ko na sa OB ko mismo sa Valenzuela yung kakausapin ko kasi sya lang nakaintindi sa episodes of tokophobic stage ko. I'm dealing fear and anxiety but the specialist said na imbento at gawa-gawa daw ng utak ko na may post trauma stress disorder ako. Nakakaencounter ako nun mismo and i am not imitating the symptoms dahil on the first place, di ko yun ginusto

Magbasa pa