Rude Doctors

Have you encountered rude doctors? Visited a specialist today for the first time to have our 2yo son checked. As a former medical representative, alam ko naman na may mga mataray/ strict/ masungit doctors talaga and you just have to tough it up and deal with their character. But I feel like now na I am a mom, nakaka offend yung sinigaw sigawan ang anak ko sa loob clinic. I get why 'sermon' yung approach nya sa pag explain sa condition ng anak ko kasi nga there are things na ginawa namin na mali as parents. Okay. Gets ko yun. But yung sinigawan nya yung son ko for exploring the clinic (hindi naman sobrang likot but lakad ng lakad kasi nga new environment for the kid) parang over naman. Part ba yun ng theatrics nya? Sasagot na rin sana ako ng pabalang kaso I need her kasi siya lng ang specialist nearest to us. (ex. Hindi ho kami ignorante doc. I-explain nyo lang ho sana ng maayos. Hindi nyo ho kailangan sumigaw. Di ho ako bingi.) Nakakagigil lang kasi well respected and highly recommended siya. Masama lang ang approach niya sa patient. Eh nag babayad naman ng maayos at pumila ng tama para makita siya. Maybe she had a bad day? Ang sa akin lang, kahit ikaw na ang pinaka magaling na specialist sa mundo, magkakasakit at mamamatay ka rin. So sana ayusin mo rin yung pakitungo mo sa ibang tao, sa mga batang patients mo to be exact. Meron po bang same experiences sa akin? #1stimemom #advicepls #firstbaby

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

In my experience naman, I came to a conclusion na maraming rude na medical practitioners sa public hospitals. Siguro ang reason nila is most of their patients eh Libre Lang nmn or d nagbabayad ng mahal. This reminded me last April 1, 2021 when I gave birth to my twin angels. Yes, prior to the date, nagstop na heartbeat Nila (stillbirth) so naghintay na mag labor ako so I can have a normal delivery. Nung naglelabor nako super sakit since first time ko, pucha bukod sa d mo na Alam anong nararamdaman mo my physical pain emotionally tormented kapa, yung mga nurses pa sinisigawan ka. I remember one even commented na kasalanan ko bakit nawala ung kambal. Meron nmang isa sinigawan ako nung pumutok na panubigan ko at paire na ako. Ireng ire daw ako. Then one asked me to lift myself while I can already feel the head of one of the twins between my legs Para makalipat sa delivery table at wala daw magbubuhat sakin. I understand that their job ain't easy pero to be that rude Lalo na to a patient who was giving birth to babies whom she can never take care of is not right.

Magbasa pa
4y ago

pangit talaga mostly public hospital Yung tipong first time mom ka tas imbes na iguide ka sisigaw sigawan ka aie satin Namang buwis nanggaling Ang sinasahod nila hayst worst experience talaga 🥺