Rude Doctors

Have you encountered rude doctors? Visited a specialist today for the first time to have our 2yo son checked. As a former medical representative, alam ko naman na may mga mataray/ strict/ masungit doctors talaga and you just have to tough it up and deal with their character. But I feel like now na I am a mom, nakaka offend yung sinigaw sigawan ang anak ko sa loob clinic. I get why 'sermon' yung approach nya sa pag explain sa condition ng anak ko kasi nga there are things na ginawa namin na mali as parents. Okay. Gets ko yun. But yung sinigawan nya yung son ko for exploring the clinic (hindi naman sobrang likot but lakad ng lakad kasi nga new environment for the kid) parang over naman. Part ba yun ng theatrics nya? Sasagot na rin sana ako ng pabalang kaso I need her kasi siya lng ang specialist nearest to us. (ex. Hindi ho kami ignorante doc. I-explain nyo lang ho sana ng maayos. Hindi nyo ho kailangan sumigaw. Di ho ako bingi.) Nakakagigil lang kasi well respected and highly recommended siya. Masama lang ang approach niya sa patient. Eh nag babayad naman ng maayos at pumila ng tama para makita siya. Maybe she had a bad day? Ang sa akin lang, kahit ikaw na ang pinaka magaling na specialist sa mundo, magkakasakit at mamamatay ka rin. So sana ayusin mo rin yung pakitungo mo sa ibang tao, sa mga batang patients mo to be exact. Meron po bang same experiences sa akin? #1stimemom #advicepls #firstbaby

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako before sa OB Gyne. Me tinatanong lang ako. Sumagot ba naman na parang ang bobo ko. Hahaha. Tapos pataas ung boses. I forgot na kung ano ung pinaguusapan namin. Pero nabastusan talaga ako. Eh nurse din ako. So madami din talaga ako tanong. Nairita cia sakin. Hahaha. Ayun hinde na ako bumalik. Naghanap ako ng ibang OB. Deserve mo na maayos na treatment kasi nagbabayad ka sa kanila for their knowledge and expertise. Just because they are doctors eh me free pass na sila pagsalitaan ka ng kung ano. Binabayaran mo pa din sila. Nung binabasa ko post mo parang ako din ung na highblood haha. Bata un eh. At kaya ka nga lumapit sa kanya for help eh. Parang hinde naman therapeutic ung approach nia. Kainis.

Magbasa pa
3y ago

same experience. pero ob INTERN. napaka walang modo and concern sa patiente.