NORMAL DELIVERY MOMMIES

Hanggang saan tahi niyo?? Mine is 4th degree tear. Kaya til now mahirap pa din mag-poop. One month ago na nung nanganak ako. How bout you? Sa mga nagtatanong pano nalaman? Nakuha ko na po yung operating record from hosp, nakaindicate po dun 4th degree tear which is true kasi affected yung pag-poop ko. ?

NORMAL DELIVERY MOMMIES
60 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako episiotomy ginawa sakin ng doctor. Malaki baby ko. So far okay naman na yung tahi ko. 2 weeks nag heal na siya. Problema ko lang sa bowel movement ko ang tigas at super duper laki niya. Hindi ko alam ano gagawin kasi hirap na hirap ako mag poop. Lakas ko mag water kasi nagpapa breastfeed ako. Pero hindi nag sosoften yung stool ko. At hindi nag dedecrease ng size.

Magbasa pa

Binibigyan tayo ng pampa soften ng poop like Lilac. If di ka binigyan ng OB mo, better ask them. 4th degree din ako. Medyo lagpas ng konti sa anus hahaha pero gumaling naman agad. Kaso mula nun, madali na dumugo ang anus ko pag medyo matigas popo ko. Hindi naman ako ganun before nanganak. Til now 6 years old na first born ko, nakakapa ko pa rin ang scar ng tahi.

Magbasa pa
5y ago

Lilac po yun...

luckily d po aq nahiwaan at natahi... sa 1st baby q 3.2kg my 2nd baby is 3.6kg,,kya lng dito s 2nd baby q parang nagkaalmuranas cgro aq,grabe kc tlga ire q,dah8l cgro girl ang hinhin ng hilab nya,d kgya nung 1st baby q 1 ire q lng nung humilab ng matindi lumabas n.nhhrpan aq idiin ung banda s pwet q,hirap umupo.

Magbasa pa

Sakin po walang tahi kase sa bahay nako nanganak. going to CS ako kase enlarge baby nako 2months old na yung size nya sa loob. Pero sa sobrang bilis po niya lumabas as in 30 mins lang labor lumabas na sya, Nag bahay na lang po ako. Hehehe Skl

I don't remember sa 2 kids ko up to where ang tear ko, pero now sa. 3rd born ko 4th tear I think kasi nahahawakan ko yung tahi ko kaya sguro 2 wks na feeling ko sobrang sakit pa din and super hirap mag poop.

VIP Member

2nd degree, 1month and half bago gumaling ang tahi hays. Until now meron pa konting sakitvat parang may nkakapa akong maliit n bukol n nkaharang sa butas ng vagina😒. Meron b dto n same situation ko?

7mo ago

Hi po matagal na tong post nyo nawala pk ba ung parang harang sa butas nyo same po kasi

4th degree din ako mamsh . Ginawa ko naglanggas ako bayabas then nagpapasingaw ako . Mabilis natuyo yung sugat and now di nako masyado hirap gumalaw at mag poop . 1week palang ako nakakapanganak :)

3rd degree ., kasi sabi ng ob ko ngkamali sya ng pagcut kasi biglang lumabas ang anak ko kaya di nya nakontrol kaya nakacut nya ng deretchu .,samantalang ang liit ng anak ko 2.9 lang yata nun.

Luh wala ako dyan na ECS se ko.. pero tingin ko kung normal del ako malamang 4th degree, mahirap po tlg dumumi pag mga 2-3wks palang more water try nyo dn po prunr juice effective naman sya

4th degree kasi maliit sipit sipitan ko,subrang sakit . Halos 1month din bago nawala ang sakit..After 3days nagpoops ako pero smooth lang yung poops ko kasi matakaw ako sa tubig..hehe