Sleeping problem.
Haii mga momshie ? Ask Lang po ako natural Lang po ba sa buntis ang di makatuLog ng maayos pag gabi ? Sa twing nagigising ako hating gabie hirap na mkatuLog uli. At kapag umaga ang sarap.x matuLog ;( natural lang po ba yan 6 months preggy here Thankyou :*
Hahahaha ako nga po from 1st tri wala talagang matinong tulog e, late na ako matulog minsan 2am na pinaka-late tapos magigising ako 12nn na, mostly ng tulog ko 12mn-1am nakasanayan ko na talaga hirap na hirap ako makapag-adjust tapos kahit late na ako nagising antok na antok pa rin ako. Madalang lang ako nakakatulog between 8pm-10pm kung makakatulog ako ng ganyang oras magigising na naman ako ng 11pm. 7mos na ako ngayon pero consistent pa rin na 12mn-1am ang sleeping time ko. π
Magbasa paOo ang hirap matulog sa gabi, lalo na gabi na ako nakakauwi kc nag wowork pa ako kahit 30 weeks na tyan ko. 11pm na aku nakakauwi ng bahay minsan 12midnight na pag traffic. 3-10 kc oras ng work ko. Tas motor at jep sinasakyan ko araw2! Hirap makatulog laging balisa kc dka comfortable sa posisyon mo. At dapat left side posisyon kc good benefits kay baby.. Tiis2 nlang muna para kay baby, ok lang basta c baby comfortable sa loob.
Magbasa pakapag ganyan sis malapit kana manganak niyan.. ganyan kasi ako nuong 38-40 months ko hirap din ako makatulog. kumbaga nakakagising ako ng 1am tapos makakatulog ako ulit ng 5am. tsaka kaya ka nagigising niyan sis. dahil sa baby mo. gutom na. kaya kumain ka kahit midnyt snack basta healthy.. tapos kausapin mo na matulog na kayo para d kana magmukang zombie hihi
Magbasa paNatural lang yan mamsh. π ππ€£ Makikisuyo din ako Mamsh. pls po ako pa like nag family picture namin. ππ»β₯οΈ nasa baba po ang link. Maraming salamat. β¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈβ¬οΈ https://community.theasianparent.com/booth/176363?d=ios&ct=b&share=true
Magbasa pa1st and 2nd trimester, tulog ng tulog.. Pero nung 3rd trimester na, my goshπ± 11pm tulog tapos 3am gising.. Tulog uli ng 7am then gising 11am, minsan di na nakakatulog.. Sabi ng sister ko, training na din daw sa pagpupuyat pag lumabas na si baby π 39w4d ir.
Me too. Hirap makatulog sa gabi. Parang kong kiti kiti sa kama. Pero after ko magpray, kinakausap ko lang si baby at si Lord, nakakatulog naman ako. Matakaw ako matulog nahihirapan lang sa gabi. Kasi pinipilit ko din ayaw kong magpuyat e. πβΊ
ako din mamsh. 7mos na tummy ko. pag gabi gising ako pag hapon matutulog ako gigising ako ng 7pm. hirap nako matulog nyan. makakatulog ako mga 5-6am na. tapos gising ulit ng 9am. haayst! π€ ang hirap matulog. ππ hirap pa ng pwesto. haha
Same haha kaya lang di ako makatulog sa umaga din kasi pagdating ng 8 or 9 ang init na sobrang uncomfortable sa feeling nakakatulog na ko minsan mga hapon na. Sabi ng iba antukin daw ang mga buntis for me hindi naman
Ganyan din ako. Ngigising ako twice sa mdling araw. Umiihi ako tpos kain n rin. Tpos kung minsan kpg ngising ako halimbawa 3am d n ulit ako mktulog. Umaga n ulit ako nkakatulog, mga 5:30am na.
Ganyan din ako sis lalo na nung mag 7 months na tiyan ko. 8 months na ngayon so isang buwan na akong buhay bampira. May time pa nga po na 24 hrs. straight as in walang tulog o idlip man lang.