Nueral Tumor & Lipomatous Tumor
Hai mga mommy. Dito nalang ako maglalabas ng nararamdaman ko. π 25yrs old na po ako . May toddler at pregnant po. Duedate ko na sa october. Nakakapang lumo pala pag nalamang mong may sakit ka. At hindi lang sya basta sakit. May Breastcancer at Brain tumor po ako. (Kailangan daw ng gamutan) tapos nung bata pa ako nakitaan ako ng butas sa puso. Sabe nung doktor wag daw ako mabahala o magisip kasi kayang kaya ko daw naman to kasi Bata pa ako. Yun na nga diba mga moms bata pa pero may ganito ng nararamdaman,. Ok sana kung wala ako pamilya. Wala akong anak. Di ko maiwasang mag isip. Pero pinipilit ko magpakatatag para sa kanila. Gusto ko pa sila maalagaan at makasama ng matagal.