asawa ko si Mr. RIGHT
Haha! Bakit Mr.Right? Kasi palagi sya yung tama. 28y/o ako, 42 sya. Never sya nakinig sakin kahit bilang nanay nalang ng mga anak nya. Pag may sakit ang anak namin, kahit alam ko naman yung gagawin, sasabihin nya, i-GOOGLE muna. ? nakakaloko no? Si google nalang sana inasawa nya. Lol Hilig nya i-tolerate yung katigasan ng ulo ng mga anak nya. (2&3 y/o) normal na makulit ang mga bata. Pero yung pag tolerate, maling mali. Kapag umiyak, bigay ang gusto. Pag nagwala, bigay ang gusto kahit di dapat. Request ko sa kanya: 1. Wag muna pagamitin ng gadgets ang mga bata 2. Pag nagwala/umiyak wag pansinin 3. Wag pakainin ng Junk foods & softdrinks Guess what? Lahat ng WAG, yun ang ginagawa nya. Wala akong "say" sa pamilya namin. Jusko. Kahit sa pagiging nanay, ??♀️di manlang ako mapakinggan. Sa tatlong request ko sa kanya na walang nasunod ni isa, may epekto sa mga anak nya. At yung #1, ngyayari na. Super tigas ng ulo nila at LATE TALKER. pag may gusto sila, nagwawala sila to the point na inuuntog na yung ulo. May bukol na nga yung isa eh. Kaya kanina, nagtalo kami. Sabi ko naman kasi sa kanya, mahihirapan kami sa pag tolerate nya sa mga katigasan ng ulo eh. Pag ako lang kasama ng mga bata, okay naman sila. Pag nasa bahay na sya, dun na sila nagiging MONSTER. ang hirap sabi ko. Hindi lang naman pagaalaga ng bata ang kailangan kong gawin sa araw araw eh. At sya rin naman, sabi ko. May kailangan syang tapusin na trabaho, pero di na magawa dahil super kulit ng dalawa. Feeling nya ina-under ko sya pag nagsasalita ako sa kanya. Kahit sabihin ko in a nice way. Minsan tuma-timing ako para kausapin sya about sa mga bata. Alam ko kasi na hindi basta basta yung ngyayari sa kanila. Kaso triggered talaga sya. Feeling nya nakikipag kompitensya ako sa kanya bilang magulang. Ang gusto ko lang naman mapabuti yung mga bata habang lumalaki sila. Feeling nya nagmamagaling ako. Dun sa junk foods at softdrinks, almost everyday, mcdonalds, fries pinapakain nya sa mga bata. At softdrinks na din. Hindi rin kumakain ng kanin mga anak namin pag pinakain ko, kokontrahin nya ako. Wag daw muna kasi baka ma-impacho. 2&3yrs old? Talaga ba? Diba nga dapat kumakain na sila? So ayun, ayaw nila mag kanin. Ang lungkot sa part ko na hindi ko magawang mandohan mga anak ko. Laging kontra parang ako lagi yung mali. Problema ? Solusyon nya : ISASAMA NYA NALANG SA PAGDDELIVER YUNG MGA BATA. Diba another problema na naman? Hindi nya nalang muna ako pakinggan at I-try kung effective ba akong magulang. Super stressing. Pero lavarn parin. Sana minsan mapakinggan din ako. P.s. Swerte ka kapag marunong makinig asawa mo, kapag parehas nyo iniisip yung kapakanan ng pamilya nyo. Sana all. ❤
Mother goose of 2 duckies