Habang nanonood kami ng live stream ng ML sa facebook ng partner ko, may naririnig kaming babae na sigaw ng sigaw sa asawa niya ng "tigilan mo yan!"(which is ML nga)" open mic kasi mga teammates nung streamer kaya maririnig mo. Sabi pa ni girl "nagaaway tayo! Tigilan mo yan" si boy nananahimik lang still naglalaro pa rin. Hanggang sa paulit ulit mo na lang maririnig yung "tigilan mo yan!" Kaya siguro napuno na si boy and gustong patulan si girl. Sabi ni girl "sige saktan mo ko". Tapos nagkasagutan sila hanggang sa mag disconnect na si boy sa laro nila. Ang dami ko nabasa sa comments na OA daw si girl kasi ml lang naman daw yon (ibang babae ang nagsasabi nito). Meron naman nagsasabi na "frustrated si girl kaya ganun yung reaction niya".
Okay lang naman talaga mag online games. Kaya lang, nagiging OA lang talaga mga babae kasi iniisip nila na hindi na sila ang priority ng mga jowa/asawa/partner nila. Diba? So wala naman sigurong mali kung maging OA si girl kasi sobra na sa pag e-ML si boy.
Pero mas maganda pa rin talaga kung pareho kayong mahilig sa online games para wala kayong pinag-aawayan. ?