PANGONTRA??

Guys uso pa ba to?? mag 1month na baby ko naun lang siya nabilihan ng tita niya e. Sino nag gaganito senyo?

PANGONTRA??
35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Uso? Actually, depende po yan sa nakaugalian at paniniwala. I would say less na gumagamit kasi marami ng namumulat at naniniwala na wala siyang scientific explanation. Aside from the fact, na para jan daw ma focus ang attention at di kay baby. Sakin kasi si baby magkakasakit, sya either because of viral and bacteria di dahil nabati or natuwa sa kanya ang isang tao. Dont get me wrong or don't be offended kasi gumamit din ako nyan with my eldest daughter, 17 years ago. Na di ko na inulit sa mga sumunod kong baby kasi di ako naniniwala talaga sa usog or bati. It's just a myth for me. Pero i pay respect with others beliefs kaya naka gamit din ako sa panganay ko.

Magbasa pa

Delikado yung perdibli sa balat ng bata baka matusok. Pamanhiin Yan ng mga matatanda. Pero sa totoo lang hindi naman yan totoo. Kaya much better huwag nalang ilagay. Nasa ina parin kung paano mapapangalagaan ang kalusugan ni baby wala sa mga pamanhiin.

TapFluencer

Di na uso yan momsh. Yung ganyan na binili ng in-laws ko. Nilagay ko lang sa bag. Mahirap na, mapigtal ar malunok pa ng anak ko edi gagastos pa tayonpampa hospital. Tas ung pardible, baka matusok pa.

Magbasa pa
TapFluencer

Ako po buntis pa lang meron na nyan pero bracelet naman. Pangontra daw po masasamang espiritu ganun saka iwas miscarriage daw po sabi ng mga matatanda. Sa baby ko din pagkapanganak mag gaganyan din po. 😊

Meron din nyang dalawa ang baby ko, ginagamit lalo nung nasa probinsya pa kami. Pero ngayon andito na sa MM, di ko na pinagamit, lockdown naman, nasa loob lang ng bahay si baby. 😊

May ganyan si LO ko 6mos na siya nakasuot sa paa nia bnda kaya lang tinanggal ko na, pano isang umaga nakita ko pigtal na natakot aq kaya ndi q na pinasuot.

VIP Member

Mag 4 years old na anak ko. Never ko pinagamit ng ganyan nung baby siya. Choking hazard pag nasira or nasubo. Okay naman siya habang lumalaki.

Super Mum

Depende po sa paniniwala nyo mommy. Sa baby ko pinalagay kasi ng mother ko kaya nilgyan ko ng gnyan. Make sure po yung hndi nya nasasagi.

Mabuti pong itabi nalang po sa lugar na hindi mahahablot ni baby para po hindi niya po masubo or masugat po siya ng perdible.

Pag lumalabas lang ang baby chaka lagyan kasi para hindi masyado nababati ang baby mas mapapansin nila yung makulay na color.