acidity

Guys im 11 weeks now grabe ang sakit na po ng taas ng tyan ko.hirap akong lumunok ng laway parang may nakabara tapus panay burp ako ng maasim tapus ang sakit talaga ano pong ginawa nyo or ininum nyo para mawala or maibsan man lang?salamat

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pagkagising mo po mommy drink a glass of water muna then wag ka muna kumain or uminom ulit ng kahit ano for atleast 10-30 minutes. Then eat ka na ng light breakfast mo. Iwas ka muna sa spicy and fatty foods. In my case kasi rice yung main na nakakatrigger ng acidity ko so i had to stop eating rice throughout my whole first trimester and it helped naman. Nag bread and crackers ako then lots of fruits and proteins tapos milk syempre. When drinking naman your vitamins make sure one hour after meals mo inumin kasi minsan nakakatrigger din ng acidity and wag mo pagsabay sabayin. Believe it or not cold water works like magic. Ice chips mga ganon.

Magbasa pa

Kapag 1st and 3rd trimester po meron po naeexperience ibang mommy na acid reflux. I experienced it before when I was pregnant with my youngest. Just gave birth last month. Mahirap po talaga sya. Lalo na sa 3rd trimester. Di ako nakakasleep. Iwas lang tayo sa food that may trigger it. Saka make sure po na di hihiga agad kapag kumain. My OB gave me meds. Pwede po kayo punta sa OB and ask kung ano magandang meds para dyan.

Magbasa pa

12weeks nako today. From 4weeks to 12weeks, nai experience ko to. Grabe, iniiyakan ko talaga sya. Putol putol tulog ko ng dahil dito.

See your ob sis

Warm water sis, ung pagkagising mo ng umaga wala pang laman tiyan mo inom ka isang baso ng warm water araw arawin mo un mawawala yan. Ganyan dn ako nung 1st trimester ko hirap

Maligamgam na tubig lang po 😊😊 ganyan din ako nung first trimester ko. Lagi lang po ako nainom nang maligamgam.

Hi ayun nagpunta ako sa ob ko binigyan nya ako med.pero di ko tinake so tinake ko muna yakult malaking tulong din pala nakita ko lang sya sa youtube ayun ginawa ko di na ganun kahirap or sakit nafefeel ko

Same momsh. Para bang stuck na yung tubig at ayaw na bumaba. Maski yung amoy ng burp nakakasuka din haha. Titigil din yan momsh. Pag ako ganyan hinahayaan ko lang kung masusuka ako. Di rin ako umiinom ng madaming tubig ng isang inuman. Small sips lang pero medyo madalas.

Related Articles