Issue with my mom
Hi guys. Gusto ko lang sana itanong kung naranasan niyo ang ganitong sitwasyon. Medyo mahaba, pero gusto ko rin makahingi ng advice. Actually, lumaki kami ng kuya ko at nung sumunod sakin sa kamag anak. Bale yung kuya ko at yung sumunod sakin, sa lola namin lumaki at ako naman ay sa tita ko lumaki. Lumaki din kami na once in a blue moon lang mabigyan o mabilhan ng mga damit ni mama. Kapag mag rerequest ka pa sakanya, masama pa ang loob. Bale kahit yung pag bili niya lang samin ng mga kailangan namin mukhang labag pa sa loob niya. Naiintindihan ko naman dahil sa mag isa lang niya kaming ginagastusan magkakapatid. Bale ang gusto ko lang ng mga panahon na yun at atensyon ng isang ina. Hanggang sa nagdadalaga na ako, ni pambili ng baby bra hindi niya kami mabilhan ng kapatid ko na babae. Buti na lang at ang uniform namin nun ay natatakpan ang boobie kaya hindi gaanong halata ang pag laki ng boobie at hindi gaano visible ang nipples namin. Pero pag titignan mo ang nanay namin, bago lahat ng mga gamit niya. Umaasa lang kami sa mga padala ng mga kamag anak namin dahil buti na lang at naaalala nila kami padalhan ng mga underware. Nang mamulat ang isip ko na bakit ganon, nag start ako mag rebelde sa mga grades ko. Nung hindi niya parin kami pinapansin ay nag start ako bumarkada at uminom ng uminom. Nag start ang college, sineryoso ko iyon. Hanggang sa bigla nanaman akong nawalan ng inspirasyon. Sa totoo lang ay siya talaga ang inspirasyon ko. Ang kaso may ugali talaga siyang kailangan mong intindihin dahil padalaga ang pag tanda niya. Hinintay kong maka graduate ako. Naka graduate naman ako at ng mga panahon na yun ay bf ko na ang asawa ko ngayon. Nag try mag board exam ng november, pero hindi pinalad. Bago ko malaman ang result ng board exam ay nagalit sa akin ang nanay namin dahilan na parang sinira ko ang 50th bday party niya dahil antok na antok na kami nung pang apat at bunso namin na kapatid. Gusto na namin umuwi nun dahil may pasok pa ang 2 bata at kami na lang ang andun na anak niya wala na yung kuya namin at yung sumunod sakin. Galit na galit siya sakin nun. Nailabas lang niya yung galit sakin nung nagtalo kami dahil sa mali ang pagkaplantsa ko ng damit na susuotin niya. Hindi niya ako pinansin nun. Lumabas na ang result ng boards at nag new year na rin. Hindi ako nakauwi agad dahil sa nag punta ako sa bahay ng bf ko nun dahil ipinakilala niya ako sa mga bff niya nung hs siya. Balak ko sana na umuwi na lang kina umagahan. Pero wala pang new year's eve ay nakatanggap ako ng text message galing sakanya na wala daw akong malasakit sa pamilya ko, wala daw akong kwenta at minura niya ako ng P.I dahil ginalit ko nanaman siya. Fast forward ng 2020. Nabuntis ako ng bf ko, sinabi namin sakanya, naintindihan ko naman na magagalit siya. Pero hindi naman niya unang apo ito dahil may anak na yung kuya ko at ang sumunod sakin. Kasama si mama sa nawalan ng work dahil sa pagkasara ng isang kumpanya. Itinanong ko sakanya kung totoo. Inamin niyang totoo at sinisisi ako na dapat daw ay ako na ang nagpapaaral sa 2 naming bunso. Pati ang tita ko na nagpalaki sakin ay sinisisi ako na wala nang source of income si mama dahil sa nabuntis ako at hindi ako makakapag bigay kay mama. Sa isip isip ko, hindi sa nagdadamot ako, pero may sama parin ako ng loob dahil sa childhood days namin. As much as possible, hindi ako mag aabot ng sinesweldo ko kay mama. Pero ako parin naman sumasagot mg service ng bunso namin pag may pasok. Atsaka, nagagawa pa niyang mag bf, mag tiktok at bumili ng mamahalin na cp. Kung ang gusto niya nabibili niya, bat hindi na lang siya bumawi sa 2 bunso namin. Mali po ba ako? Gusto ko lang po ng advice. Dahil nasasaktan din po ako dahil puro sakin ang bato. Ayoko sana ma stress at baka mawala si baby ko dahil 20wks palang akong buntis.