sis ganyan din yung LIP ko, naging mag bf gf kami for 3 years then nabuntis ako at nag sama kami sa iisang bahay, sobrang loyal ko sa kanya kase alam ko yung feeling na niloko ka ng taong mahal mo kase na experience kona dati at aware naman sya dun. madalas ko yun na kukwento sa kanya, at yun din ang dahilan kung bakit ako trauma at paranoid. di ako mapakali lagi at feeling ko lolokohin din ako ng kinakasama ko ngayun kaya para akong detective na kalikot ng kalikot sa phone at socmed nya. then neto lng january 3, 2023 na discover ko na may isa pa syang acc na tinatago sakin. naka block ako at yung isa nyang acc para diko malaman. nabuksan ko yung acc tapos nakita ko na yung babaeng pinag seselosan ko is friend nya sa acc na yun tapos puro heart react pa, then sa messages wala akong nakita malamang na delete na nya. sobrang sakit lng na kahit anong gawin ko hindi pa din ako sapat. kahit na pag silbihan mo ibigay mo pa ng buo ang sarili at katawan mo hindi pa din sapat. tinatanong ko sarili ko ano pa bang kulang sakin bakit di nya malimutan yung babaeng yun. 6 months preggy na ako ngayun at sobrang stress, gabi gabi akong umiiyak. kinonfront ko sya then ang sabi lng nya dinelete na naman daw nya yung acc. para sakin hindi sapat na paliwanag yun kung bakit nya nagawa sakin yun. bakit nya kaylangan itago kung wala naman sya ginagawang masama. that's the big question. ni hindi manlang sya nag sorry o nagpaliwanag. wala sya ginagawang move para pagaanin yung pakiramdam ko. sobrang sakit na😭. pero 1 thing i realized is ma swerte ako at hindi pa kami kasal. hinihintay kona lng na lumabas ang baby ko at pag ubos na ubos nako hanggang wala nakong maramdaman saka ako aalis kasama baby ko. mag sisimula ako ng panibagong buhay. laksan lng natin loob natin, hindi tayo dapat ginaganito.
Magbasa pa