Husband matters

Guys, ask ko lang. Please respect my post. Wala na kasi talaga ko nasasabihan kasi mas pinipili kong maging pribado ang buhay namin. Di rin ako yung tipo ng tao na nagpopost sa social media para lang ipahiya ang asawa kasi alam ko at the end of the day, papatawarin ko din siya . Nahuli ko po kasi live in partner ko na may ganitong mga message sa telegram. Madaling araw po no'ng nagcheck ako ng phone n'ya at sobrang sakit po makabasa ng ganito knowing na buntis ka pa. Ask lang what if sa inyo po mangyari yung ganitong scenario. Ano po gagawin nyo? Please help, need advice po. #stressed

Husband matters
16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tinatanong ko nga asawa ko kasi sabi ko buntis ako baka maghanap siya, ang sabi nya sa akin tapos na siya sa face ng buhay nya na ganon at lagi naming pinaguusapan na gusto namin buong pamilya para sa anak namin, ano ba yung magtiis ng ilang months para kay baby. Ang ginagawa ko nagdarasal ako at bahala na si Lord at kung sakali man na gawin nya yung magloko siya maraming mawawala sa kanya. At lagi ko sinasabi lahat ng pagsisikap at pagpapagal ay para sa buo at masayang pamilya natin hindi tayo ng pagpapakapagod para maghanap ng sisira sa pamilya natin. Hindi worth it ang panandaliang aliw pampalit sa pamilya.

Magbasa pa