Husband matters

Guys, ask ko lang. Please respect my post. Wala na kasi talaga ko nasasabihan kasi mas pinipili kong maging pribado ang buhay namin. Di rin ako yung tipo ng tao na nagpopost sa social media para lang ipahiya ang asawa kasi alam ko at the end of the day, papatawarin ko din siya . Nahuli ko po kasi live in partner ko na may ganitong mga message sa telegram. Madaling araw po no'ng nagcheck ako ng phone n'ya at sobrang sakit po makabasa ng ganito knowing na buntis ka pa. Ask lang what if sa inyo po mangyari yung ganitong scenario. Ano po gagawin nyo? Please help, need advice po. #stressed

Husband matters
16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ive been in the same situation before pero pinatawad ko. Kaso sobrang hirap ng naging situation ko after that, everyday overthink. Halos may trigger everytime na may katiting na bagay na nakapag remind ng kagaguhan nya. Ngayon aware mga tao sa paligid ko na stressed buntis ako. Mommy kung kaya, iwasan mo sana mastressed. Kung pipiliin mo mag stay, mag unti unti ka ng mag detach and mag focus sainyong dalawa nlang ni baby. Sana dumating yung oras na matauhan na tayo, kasi alam mo di mag babago yan. Mag babago lang pag tuluyan na tayong nawala. Tayo yung lugi kung hihintayin natin silang mag mature saka mental health natin ang sira dito

Magbasa pa
1y ago

thank you po dito. Tama po sinabi n'yo, mapapagod lang talaga ako kung hihintayin ko siya magbago. noon pa po ako nag titiis sa gano'ng behavior nya sa totoo lang.