Husband matters

Guys, ask ko lang. Please respect my post. Wala na kasi talaga ko nasasabihan kasi mas pinipili kong maging pribado ang buhay namin. Di rin ako yung tipo ng tao na nagpopost sa social media para lang ipahiya ang asawa kasi alam ko at the end of the day, papatawarin ko din siya . Nahuli ko po kasi live in partner ko na may ganitong mga message sa telegram. Madaling araw po no'ng nagcheck ako ng phone n'ya at sobrang sakit po makabasa ng ganito knowing na buntis ka pa. Ask lang what if sa inyo po mangyari yung ganitong scenario. Ano po gagawin nyo? Please help, need advice po. #stressed

Husband matters
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung sakin ginawa ng ng asawa ko, sa totoo lang hndi ko din alam... sguro maiiyak na lang ako kasi mahal ko yung asawa ko tas tatanungin ko asawa ko kung saan ba ako nagkulang? Bakit kailangan nyang maghanap ng iba? Hndi ba ako sapat? Hndi ba kami sapat ng anak niya? Masasaktan ako pero feeling ko di ako dadating sa point na magwawala, magagalit sakanya...parang gusto kong iparamdam sakanya yung sakit na binigay niya sakin. Hndi sa way na maghahanap ako ng iba. Parang mas ipprove ko na kailangan niya pala ako kasi mahal niya ako pero huli na lahat. Sa totoo lang, di madali maging Nanay, ayaw kong ipagsiksikan sarili ko sa taong ayaw sakin, less stress para sa Nanay kesa everyday mong iisipin na may babae siya, mapapraning lang ako. In short, makikipaghiwalay 🤣

Magbasa pa
3y ago

always take care po mamshie. lalong lalo na po kayo ng anak n'yo. thank you po sa advice super appreciated po