13 Replies

Mamsh. Center din ako nagpacheck up, Diko nalaman sakit ko at kulang kulang din mga vitamins. Hanggang sa lumala at humingi ako tulong kay mama na ipacheck talaga ako sa mismong OB almost 5k nagastos. Ultrasound/Kuha dugo/ Ihi/ Gamot/ Bayad sa OB. Sa center kase sabe di pa daw ako pwede magpa ultrasound dahil 2 months palang kaya hindi pa pwede marinig heartbeat ni baby, Wala din siyang sinabe na kung paano ko pwede malaman na may baby ako at paano pwede marinig heartbeat ng baby ko. Tapos nung pumunta nako sa mismong OB nagalit si Doc, Bakit ganon daw kaya siya na daw ang susundin namen. Ayun pina ultrasound ako yung ipapasok sa pepe then narinig ko heartbeat ng baby ko at nakita ko din siya, Nalaman ko din anong gamot ang iinumin para mawala ang uti nalaman ko din na anemic din ako. Sa center hindi ko alam kung anong sakit ko kase wala naman ginawa saken, Tsaka wala din binigay na gamot para sa uti. :) Kaya mas maganda sa OB talaga magastos man pero makakasigurado ka naman na gagaling ka and walang problema

Ako nga po unang check up ko lang po nun magastos na trans v tas mga medicine.2000Tas ang daming laboratory umabot ng 3800. Kasi need nyo po talaga sundin mga binibigay nila. Kasi next follow up mo naman di na ganun karami. Gusto kasi nilang malaman kung may sakit ka para magamot kagad ng di makaapekto sa baby. At baka sabihin nyo mapera ako kaya okey lang sakin sa government hospital pa nga po ako nag pacheck up kahit mahaba pila okey lang. Ayaw po kasi ng byenan ko sa center gusto diretso hospital nako mag pa check up. Kailangan talaga gumastos momsh kasi buhay po yung dinadala natin.☺️

Tama po kayo. Sakin naman kailangan sa hospital kasin cs po ako.

VIP Member

.. Dapat isa lng ob mo maghanap ka nalang ng talagang gusto mo na ob dba my book kana yun na ibigay mo sa kanya tas tgnan mga results mga lab mo kasi yun ginawa ko. Tas pd mo din namang nd bilhin lahat na reseta maghanap ka ng ibang pharma na medyo mura na din.. Budget budget lng

I will suggest for you to go back to your OB. first baby mo yan and it will be better for you to have a proper guidance from an OB. mahirap ng sumugal dahil lang sa nagtitipid tayo kasi ang magsusuffer nyan is si baby and mommy 😊

VIP Member

Nagtanong ako ng ganyan sa OB ko regarding sa mga labtest, depende dw kc un sa OB mo. Pero sabi nya usually 5mos ang pag lalabtest, dun kc ngiging prone ang mga buntis sa uti, diabetes etc.. Sa gnung month sya nakikita thru labtest.

VIP Member

Nasa sainyo po un kung ayaw niyo na po bumalik sa ob. Mas mura naman talaga sa center. Pero importante po un folic. Hanggang after manganak po advisable po na uminom ng folic po. Para po sainyo ng baby mo yun. First time mom ka pa naman.

so , folic acid at ferrus yun ba ang importante na inumin kahit dikuna inumin yung iba na nireseta ni doc at babawi nalang sa gatas at prutas?

Ako bago matapos 1st trimester ko ang dami kong laboratory umabot ng 3,500 lahat tapos netong last week nag pa laboratory na ulit ako at ultrasound umabot nmn ng 3k. Sa akin kahit hirap sa budget basta ok si baby dun ako

kaya ka inadvice ng midwife magpacheck up sa ob dahil 1st baby mo yan para maalagaan mabuti. Iba kasi kapag sa doktor talaga. Kung wala ka na plano bumalik dun, wag mo na lang ituloy yung nireseta sayo.

pano lahat nabili kuna pero pede naman sigurong ubusin ko nalang muna o mag tatanong nalang din ako sa midwife kasi may checkup ako sa center this coming august 5z

Bumalik ka sa ob mo. Alam nila ano makakabuti sa atin. Sa una lang naman yung maraming gastos sunod niyan wala na puro follow check up nalang at request ultrasound at sympre vitamis

Mas prefer ko po ung sa OB lalo na po kung 1st baby mas matututukan ka po nila

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles