Sustento sa anak

May gusto lang po ako i-share sa inyo na sitwasyon namin. Bale, 4months pregnant na po ako and yung ka-live-in partner ko meron siyang past,may anak syang 7 yrs-old sa dati niyang ka-live-in (so meaning po hindi sila kasal) Yung problema ko po ay ganito, natigil po yung sustento ng asawa ko dun sa anak nyang 7 yrs old dhil sa pagbubuntis ko po, dahil sa mga vitamins and check up ko po. Humingi nmn po ng paumanhin yung asawa ko sa kanyang byenan at sinabing babawi po siya kapag ging maayos na po ang lahat saamin, at kapag nanganak na po ako. May trabaho po ang asawa ko pero hindi naman po ganoong malaki ang sinasahod. Naiintindihan nmn ito ng byenan nya pero yung dati nyang asawa, pinipilit nyang magbigay yung asawa ko at sinabi pa pong ipapabaranggay or kakasuhan. May laban po kaya ang asawa ko kapag nangyari yun?😥 #advicepls #pleasehelp

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mommy, yung asawa ko is may anak din sa unang asawa niya. Nung wala pa kami baby, nung mag boyfriend and girlfriend pa lang kami, lagi ko pinapapaala sa kaniya na wag niya kakalimutan mag bigay sa anak niya dahil ayaw ko ng gulo at ayaw ko lagi din siya inaaway. Then etong nagka anak na kami di ko pa din nakakalimutan sabihan siya mag bigay siya, kapag meron siya. Dahil sakto naman yung pera nakukuha niya para sa amin ng baby ko at dun sa anak niya eh.

Magbasa pa