disapppointed preggy

? gusto ko magwala sa iyak. Nalaman kong habang naka LOA ako for couple of months hindi din pala hinuhulugan ng company ko ang sss ko. 3 mos lang this year ang may hulog. Nawawalan na ako ng pag asa na makakuha ng mat ben. ? sobrang lungkot ko. Employed pa ako sakanila pero ganito. ? baby kapit lang makakayanan natin to.

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ilang months kang LOA? Pag walang sahod, walang bayad sa SSS. Pero siguro depende parin sa company, sakin naghulog sila, saka deduct sa maternity assistance nila sakin. (di ginalaw yung sss benefits ko). Siguro kung wala kaming maternity assistance (comp) baka bawas sa sss ko yun. Ask ka nalang sa hr nyo muna

Magbasa pa

nagloa din ako this year. di ko alam na preggy na ako. April, loa na ako pero nakasahod pa ko ng first sahod mbaba lng kinaltas sken for sss (500+). May, totally walang sahod. walang hulog. ganon po ata talaga e. nakadepende sa sahod mo that month kung magkano hhulog ng employer mo sa sss. no sahod, no hulog.

Magbasa pa

Same thing happened to me :( pero before ako mag file ng maternity notif chineck ko status ng past contributions ko. 10 months walang hulog ๐Ÿ˜ก. Tapos di na daw mahuhulugan since walang pera yung dati kong employer. Inabunohan ko nalang yung past months. Nakakainis talaga yung mga ganyang kumpanya.

mami ndi ba sinabi sayo na kapag loa ka syempre di ka sumasahod so wala din silang mapagjukuhaan ng pang bayad mo sa sss mo. sana sinecure mong magbayad voluntarily since wala naman silang makukuhang deduction sayo dahil wala ka sinasahod

5y ago

Ilang beses ko po ginusto na mag voluntary na mag hulog nalang ayaw po ng sss dahil daw currently employed pa daw po ako. ๐Ÿ˜ž

Kung nakaindicate po sa payslip nyo na kinakaltasan kayo bwan bwan pede nyo po yun ilapit sa sss para mabigyan ng notice ang company..

Mommy may deduction k b sa salary mo for sss contri? Kung meron at di nila hinuhulog pede mo sila paDOLE.

So paano po yun? No sahod No hulog no maternity benefits? Kahit active po ako ng 2 years and 3 mos sakanila?

5y ago

Ayaw din ng sss na naghulog ako pero nghulog pa din ako. Try mo sa mga bayad center para wala na sila mgagawa, ippost na lang nila un. Matatag ka as unemployed na pero once na nghulog ulet si employer mo, employed kna ulet. Wala nmn daw effect un sa benefit na mkkuha mo

pwede din po kayo lumapit sa dole. hindi kasi biro yung pera na sana ay matatangap nyo as mat ben.

Pag nakaLOA na walang sahod, wala pong hulog. Wala sila pagkukuhanan ng ikocontribute mo po.

pwede mo nman yan reklamo, kung meron kang pruweba na kinakaltasan ka pero d nila hinulog.