first time mom

gusto ko lng sabihin na pagod na pagod na ako. di na makakain, mag cr, makapagsuklay, wala pang tulog. .. ako lng mag isa nag aalaga ky baby, sa gabi ako pa rin. tulog si mister, si baby naman gusto palaging karga, pag nilalagay ko sa higaan iiyak na naman... ganito pala kahirap maging nanay... di ko na kaya.. :( ano dapat kong gawin... 3 weeks old baby edit: thank you po co-mommies... kaya ko to. kakayanin. eenjoyin ko na lng habang baby pa cya.. hindi ko lng po akalain na ganito pala maging ina. nakakashock lng po talaga.... di ko napaghandaan

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mo yan mamsh! ❤️ may super powers tayo mga babae ☺️ fighting lang.. kausapin mo maigi si hubby mo para matulungan ka nya . Ganyan din ako nung una pero pinapaintindi ko talaga sa kanya yung pagod and ayun unti unti tinutulungan na nya ko. Gagaan yan mamsh basta tulungan lang kayo and tingin ka lang lagi kay baby tanggal pagod mo☺️ Tama mga mamshies dito sa una lang mahirap and minsan lang sila bata kaya hanggat kaya natin alagaan sila alagaan natin! ❤️❤️❤️

Magbasa pa