first time mom

gusto ko lng sabihin na pagod na pagod na ako. di na makakain, mag cr, makapagsuklay, wala pang tulog. .. ako lng mag isa nag aalaga ky baby, sa gabi ako pa rin. tulog si mister, si baby naman gusto palaging karga, pag nilalagay ko sa higaan iiyak na naman... ganito pala kahirap maging nanay... di ko na kaya.. :( ano dapat kong gawin... 3 weeks old baby edit: thank you po co-mommies... kaya ko to. kakayanin. eenjoyin ko na lng habang baby pa cya.. hindi ko lng po akalain na ganito pala maging ina. nakakashock lng po talaga.... di ko napaghandaan

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy laban lang.. napapagod tayong mga ina pero isipin natin na hindi nmn po habang panahon ganito. Anak natin ang inaalagaan natin, ano ba naman po ba ang ilang bwan na pagsasakripisyo para sa panghabangbuhay na saya. Dugo at laman mo sya mommy. Love is sacrifice. Pero matatapos din ang ganyang stage. I enjoy mo lang po di mo mamamalayan malaki na pala sya. Cheer up mommy! Kaya mo yan!

Magbasa pa