first time mom

gusto ko lng sabihin na pagod na pagod na ako. di na makakain, mag cr, makapagsuklay, wala pang tulog. .. ako lng mag isa nag aalaga ky baby, sa gabi ako pa rin. tulog si mister, si baby naman gusto palaging karga, pag nilalagay ko sa higaan iiyak na naman... ganito pala kahirap maging nanay... di ko na kaya.. :( ano dapat kong gawin... 3 weeks old baby edit: thank you po co-mommies... kaya ko to. kakayanin. eenjoyin ko na lng habang baby pa cya.. hindi ko lng po akalain na ganito pala maging ina. nakakashock lng po talaga.... di ko napaghandaan

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Walang di kakayanin ang isang ina para sa anak. When I gave birth to our second child, walang kasama sa bahay kasi working si husband and weekends lang uwi. I also have to look after our toddler na 2 and a half yrs old pa lang. Imagine my situation na CS and 2 alaga. Have to cook for myself and eldest tapos unli padede sa bunso. Naiiyak sa pagod at puyat, may maririnig ka pang pintas from inlaws na di naman nakakatulong. Nasasabi ko din yang "ayoko na" pero hanggang dun lang un kasi naiisip ko palagi ang mga anak ko. Paano sila pag sumuko ako. Iniiyak at pinagppray ko na lang sa Lord na mas bigyan pa ko ng lakas at haba ng pasensya. Kinaya namin, sure ako kakayanin mo din. And also talk to your husband. Share kayo sa responsibilities in all aspect.

Magbasa pa