first time mom

gusto ko lng sabihin na pagod na pagod na ako. di na makakain, mag cr, makapagsuklay, wala pang tulog. .. ako lng mag isa nag aalaga ky baby, sa gabi ako pa rin. tulog si mister, si baby naman gusto palaging karga, pag nilalagay ko sa higaan iiyak na naman... ganito pala kahirap maging nanay... di ko na kaya.. :( ano dapat kong gawin... 3 weeks old baby edit: thank you po co-mommies... kaya ko to. kakayanin. eenjoyin ko na lng habang baby pa cya.. hindi ko lng po akalain na ganito pala maging ina. nakakashock lng po talaga.... di ko napaghandaan

94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ramdam kita momshie, ako dn 1st time mom ngyn. Buti hubby mo kasama mo, ako as in mag isa lang kasi ang asawako nagwowork abroad. Ganyan tlga iba2 emotion ang mararamdaman mo pero habang lumalaki namn c baby mas nakakatuwa na at habang tinitignan mo sya lalo na pg ngumingiti as in mawawala lht ng pagod mo. Always lng maging positive momshie lht ng yan pagdadaanan tlga.

Magbasa pa

opo mahirap talaga kapag mag isa tumututok sa baby..ako may mr. po pero nauna pang matulog sa min ni baby kasi my trabahu din.ako po noon noong 7months na tyan ko umuwi ako sa mama ko para hindi ako mahirapan..thankful po ako sa mama at kapatid ko kasi tinutulungan ako mg alaga ky baby. pray lng po tayo lagi.malagpasan din natin ito mommies... lovelovelove

Magbasa pa

i feel you sis😅 ganyan din baby ko, sobra hirap .. lalo na pag gcng sa madaling araw, duling kna sa antok tas asawa mo sarap ng tulog.. minsan nga naiisip ko ng kurutin si baby pero di ko nman ginagawa.. tinititigan ko nlng si baby sabay ngiti, nawawala na ang pagod ko pag nahihimasmasan na ako.. hehehe!kaya mo yan sis.. kaya ntin toh..

Magbasa pa
VIP Member

Mahirap tlga pgfirst time mom.lalo n at wala kng katuwang.ask for the help of ur husband big help un mom.ng ayaw mgpababa n baby dinuyan ko sia.hehe. i listen to music.nanood ng tv.ung kakain snaabay ko n lng c baby.hindi nga lng. Ung normal n kain.hehe.mhrap tlga s simula.mkukuha m n ung pattern in next few days.dont wry.prayers mommy.

Magbasa pa

Bigyan mu ng day routine si baby .. pra di ka maxdong mhirapan .. kung anu ginawa neo naun gnun din gawin araw araw oras ng tulog kelangan same same araw raw .. pra msnay xa .. ako lng din mag isa lagi tas preggy pa ko . Tska always talk to you baby .. kaya mu yan ...☺️lagi mu yakapin si baby tatagal pagod at stress mo ..

Magbasa pa

Dapat be flexible ka. Kapag tulog si baby dun ka kumilos ng mga dapat mong gawin. Bakit mo susukuan ang pagod eh anak mo yan. Ganun talaga wag din sanayin sa karga ang bata kaya minsan ayaw nagpapabitaw kase nasanay sa karga .kung may crib naman iwan mo sa crib okay lang naman umiyak basta maaga pa wag lang kapag gabi.

Magbasa pa

I Feel You Mamsh, Mag Isa Lang Din Ako Nag Aalaga Kay LO She's 4weeks, Yung Daddy Niya Nasa Barko Nahihiya Naman Ako Sa Parents Niya Kaya Ako Lang Gumagawa Lahat. Nasanay Nalang Ako Hindi Natjtulog Pag Madaling Araw Kasi Yun Yung Time Na Gising Siya. Sa Hapon Naman Magdamag Din Siya Dumedede Sakin. Sobrang Hirap,

Magbasa pa

Same tau mommy pero need natin kayanin... kmi lng n baby d2 s bahay Mula nanganak aq.. dahil NASA Malau daddy nia.. d makauwi gawa ng lock down ... gawin mo mommy pag tulog s baby tulog k dn para May panlaban k s puyat... pasalamat lng aq d iyakin baby q.. pag gising naglalaro lng cia..iiyak Lang pag gutom...

Magbasa pa
TapFluencer

Ganito dn pakiramdam ko...ang pinagkaiba lang tinutulungan ako ng husband ko..pero grabe ung pagod..Kinakaya naman at kakayanin ko para kay baby anyway mabilis lumaki si baby..Hindi ko inaasang ganito pala ang maging ina..sobrang hirap...pero sobra sobrang saya ang kapalit..keep going mommy kaya natin to.

Magbasa pa

I feel you mommy. Single mom here. Pero lahat kakayanin para kay baby. Nakakawala ng pagod pag nakikita mo siya, lalo na pag nakasmile siya 😍 Makakaadjust ka rin po mommy. Sa una lang po talaga mahirap, pero pag nagamay mo na po si baby mo maeenjoy mo na po yong mom life. ❤️❤️❤️