Paladesisyon

Gusto ko lang sana mag rant. So here it is. May usapan kami ni hub na binyag ng first baby namen is sa first bday nya which is nov ng katapusan. Kanina lang natulog sya then pag gising nya bigla nagbago isip sinasabi na pabinyagan daw namin ng matapos na. Gusto nya katapusan na ng month na to which is october. Ako naman nagulat dahil pagbangon namin dahil fito kame kila Mil nakatira pa muna, kumonsulta agad magkano magagastos lahat at paano gagawin, de G naman si MIL . Ako? Feeling ko wala ko karapatan o tanungin muna kung payag ba ko. Asang asa side ko na sa bday na binyag, nag iipon pa nga daw si mama ng pang aambag nya kay baby dahil favorite nya baby ko and first apo din (actually sabi ni mama na maaga dapat binyag dahil yun nakagawian dati diba, pero si hub din nag decide noon na sa first bday nalang sabay, naisip ko tama naman at tipid dahil isahan nalang ng gastos at uso naman na yun ganoon so pumayag ako) then ngayon bigla nagbabago. Na shock lang ako, hanggang ngayon di nag sisink in sa utak ko na nabago date ng binyag ni baby, Iniimagine ko pa naman yung mga plano ko sa celebration ng baby ko na may ganto ganyan, astronaut theme, may candy station kahit maliit. Pero iisipin mo sa bday lang naman nakikta yon, so etchapwera na plano ko? Yung pinapangarap ko na gagawin ko sa bdaybinyag ng baby ko? Nakaka dismaya lang kasi na parang wala akong boses dito. Mahihiya ka nalang sumagot kase ayon na! Meron na usapan sila! Kesyo sa November mahal na daw ang baboy kaya mainam makakatipid daw kahit paaano, medyo tama naman diba pero shock parin ako. Sa totoo lang dapat nga ako mag decide dahil ako babae, dapat ako aasikaso dahil sya ang provider. Kaya ko din nmn mag provide kung pinayagan nya lang sana ko mag work, saamin dalawa ako ngalang degree holder pero gusto nya 1yr old muna si baby bago ko mag work, sangayon daw sya muna. Pero minsan kase feeling ko tungkol sa ganap, pera at bibilhin o gagastusin, mas sya yung nasusunod. Unfortunately it turns out na parang minsan di ko maimagine o gustuhin ganto buhay ko frvr . I don't know if I'm being reasonable here pero yun lang kasi pakiramdam ko 😥. 1month nalang banaman hihintayin pero minadali pa nag bago pa Sana kapag ako naman nag wowork, hindi na ganto, ng hindi na kung ano ano pa isipin ko at kung ano mangyari sa pagsasama namin. Tingin nyo ba mga mii tama tong mga oinag iisip ko? Or over reacting lang ako dahil sa shock at mas reasonable naman yung dahilan ni hub tungkol sa price ng meat kaya mas madaliin binyag ni baby?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naerxperience ko na yan na masyado paladesisyon ang mga MIL gsto nila sila masusunod minsan kahit mali na gsto pa din nila pasunurin ka ewan mo ba bakit ganun minsan ang mga MIL parang inaunder ang mga asawa ng anak nilang lalaki. I feel you.