Paladesisyon

Gusto ko lang sana mag rant. So here it is. May usapan kami ni hub na binyag ng first baby namen is sa first bday nya which is nov ng katapusan. Kanina lang natulog sya then pag gising nya bigla nagbago isip sinasabi na pabinyagan daw namin ng matapos na. Gusto nya katapusan na ng month na to which is october. Ako naman nagulat dahil pagbangon namin dahil fito kame kila Mil nakatira pa muna, kumonsulta agad magkano magagastos lahat at paano gagawin, de G naman si MIL . Ako? Feeling ko wala ko karapatan o tanungin muna kung payag ba ko. Asang asa side ko na sa bday na binyag, nag iipon pa nga daw si mama ng pang aambag nya kay baby dahil favorite nya baby ko and first apo din (actually sabi ni mama na maaga dapat binyag dahil yun nakagawian dati diba, pero si hub din nag decide noon na sa first bday nalang sabay, naisip ko tama naman at tipid dahil isahan nalang ng gastos at uso naman na yun ganoon so pumayag ako) then ngayon bigla nagbabago. Na shock lang ako, hanggang ngayon di nag sisink in sa utak ko na nabago date ng binyag ni baby, Iniimagine ko pa naman yung mga plano ko sa celebration ng baby ko na may ganto ganyan, astronaut theme, may candy station kahit maliit. Pero iisipin mo sa bday lang naman nakikta yon, so etchapwera na plano ko? Yung pinapangarap ko na gagawin ko sa bdaybinyag ng baby ko? Nakaka dismaya lang kasi na parang wala akong boses dito. Mahihiya ka nalang sumagot kase ayon na! Meron na usapan sila! Kesyo sa November mahal na daw ang baboy kaya mainam makakatipid daw kahit paaano, medyo tama naman diba pero shock parin ako. Sa totoo lang dapat nga ako mag decide dahil ako babae, dapat ako aasikaso dahil sya ang provider. Kaya ko din nmn mag provide kung pinayagan nya lang sana ko mag work, saamin dalawa ako ngalang degree holder pero gusto nya 1yr old muna si baby bago ko mag work, sangayon daw sya muna. Pero minsan kase feeling ko tungkol sa ganap, pera at bibilhin o gagastusin, mas sya yung nasusunod. Unfortunately it turns out na parang minsan di ko maimagine o gustuhin ganto buhay ko frvr . I don't know if I'm being reasonable here pero yun lang kasi pakiramdam ko 😥. 1month nalang banaman hihintayin pero minadali pa nag bago pa Sana kapag ako naman nag wowork, hindi na ganto, ng hindi na kung ano ano pa isipin ko at kung ano mangyari sa pagsasama namin. Tingin nyo ba mga mii tama tong mga oinag iisip ko? Or over reacting lang ako dahil sa shock at mas reasonable naman yung dahilan ni hub tungkol sa price ng meat kaya mas madaliin binyag ni baby?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mi wala naman sila magagawa kung ayaw mo.. saka di yan sa gastos e.. alam mo yun 1month nalang ata iintayin mag 1yo na baby mo isabay nalang.. bukod sa gastos e sa stress mag prepare.. pati yung bisita 2x pa pupunta? kami kasi ganon e sa panganay namin magkahiwalay ang bday at binyag . pareho pinagkagastusan kasi ayaw ko yung binyag e mga ninong at ninang lang ppunta so 2x ang gastos.. pag binyag mini program lang.. kaya eto kay toddler namin talagang isahan nalang binyag+bday.. kami mag asawa nag decide kasi kaka stress mag isip kaya ng mga details ng party like catering services, photographer, motif/theme, giveaways, etc. nag enjoy pa mga Godparents kasi pati sila kasama sa party.. kasali sila sa mga pa games.. isahan stress isahan gastos kahit lakihan mo pa yung party atleast isahang bagsakan nalang.. hindi din ako nagwowork kahit lisensyada ako at pwede din mag work abroad.. napag usapan namin eto ng hubby ko na tutok muna ako sa kids namin at wala din kami pake sa sasabihin ng inlaws desisyon namin eto.. binigyan pa ko ng small business ni hubby (craft and printing business) sa bahay para hindi ako mainip.. ako pinag dedesisyon ng husband ko sa lahat.. provider siya ako taga desisyon. sabihin mo yan sa husband mo kaw pag desisyunin niya.. pag usapan niyo yan.. di kasali mga inlaws panggulo lang ang kung pati sila makisali pa

Magbasa pa
VIP Member

Mi kayong dalawa dapat ang nagdedecide. Hindi lang ikaw dahil ikaw ang babae. Hindi lang si hubby dahil sya ang nagproprovide ng pera. Hindi si MIL dahil lang sakanila kayo nakatira. Mutual agreement ninyong mag asawa. Kayong dalawa lang yan. Walang masama na pabinyagan si baby kasabay ng bday. If ayun yung agreement nyo ni hubby non, tanungin mo sya kung bakit biglang nagbago isip nya. If dahil sa influence ni MIL or ng family nya, pag usapan nyo muna ulit ng di pinapakinggan opinion ng iba. Anak nyo yan. Kayo dapat nagdedesisyon dyan di ibang tao.

Magbasa pa

Mas okay po sis na icommunicate mo po yan nararamdaman mo kay hubby mo regarding sa desisyon nya sa change of date. Pwede mo naman po yun ma explain na di ka comfortable madaliin at mas maganda ung unang plano nyo na sabay nalang sa bday. Mahalaga po ang communication mii lalo na sa marriage at especially may anak na kayo. Pwede mo po sia maka usap ng mahinahon saka share mo lang kamo idea mo para di rin kayo mag away and if pwede bang maconsider yung gusto mo since ikaw naman ung nag aalaga kay baby. 🙏 praying for u both po 🙏

Magbasa pa

Same tyo mih ganyan rin ako minsan na mas pinapakinggan pa yung iba kesa sakin. Pero netong mga nakaraan pinupush ko talaga ano gusto ko. Lalo na para sa anak ko. Yung asawa ko dati sinasabi nya alam ng magulang nya makakabuti kasi marami silang inalagaan ng nanay nya. Ngayon sinasabi ko sa kanya na mas alam ko makakabuti para sa anak ko kasi ako ang nanay at mas alam ko anak ko. And alam ko may nasasabi rin sakin kapag di ko sinusunod gusto nila, pero bahala sila. Mas okay na sundin mo yung gusto mo mih para willing ka talaga gawin.

Magbasa pa

Ganun din naman yun mi, kahit mag mahal ang karne but the fact na gagastos kayo twice eh mas mapapamahal kasi kahit sabihin na hindi bongga dalawang okasyon pa din ang magaganap and since isang buwan nalang naman ang hihintayin why not pag sabayin nalang. mas tipid at kahit gastosan ng bongga eh dalawang celebration naman and sulit na yun.

Magbasa pa

hello 🤗 mahirap mag organize kamo ng biglaan mas okay kamo yung may allowance tlaga hindi yung biglaan. Bakit naman bigla biglang nagbabago isip ng asawa mo momsh natulog lang, hoping na maaus nyo yung date nf binyag ng anak mo mima. at mahirap tlaga makitira sa in laws tlagang lahat ng gagawin mo kokontra yan.

Magbasa pa

kung magpapabinyag ba kayo sa October, hindi na kayo maghahanda sa bday ng anak nyo sa November? kung presyo lang ng karne un problema, i can't see the difference kung hihintayin na lang na sa first bday ng November ganapin mas reasonable pa rin un...

naerxperience ko na yan na masyado paladesisyon ang mga MIL gsto nila sila masusunod minsan kahit mali na gsto pa din nila pasunurin ka ewan mo ba bakit ganun minsan ang mga MIL parang inaunder ang mga asawa ng anak nilang lalaki. I feel you.

make time negotiating with your hubby kaysa pag rant dito hehe... relationship is all about negotiating... have you thought of how to open this up to your hubby?

2y ago

I did, like may times, but he insisted. still pinupush ko parin dahil inis parin ako sakanya kapag naalala ko yon. hindi pa sya umaagree pero wala rin pinaplano na madalian. so I think it works naman. wala lang confirmation pa. btw thankyouuu sa mga sumagot. Nag rant lang ako dito dahil inis na inis pa ko that time and nag papagaan sa loob ko kapag may ibang taong nagsasabi na i have a point, i should have do that, do this ganern. yun lungs.

mhie no your baby your rule you have the voice magcomplain ka din wag ka papayag sa ganun matuto din tumayo para sa kagustohan