Hi gusto ko lang po malaman idea/insights niyo regarding sa aking simpleng problema hehe.
I am 32 weeks pregnant now and noong 3 months ako yun yung last na nakasama ko bf ko. Nasa training po kasi siya and sa March pa po balik niya, manganganak na po ako sa February so meaning, almost whole duration ng pregnancy journey ko ay di niya nasusubaybayan personally pero sumusulat naman po ako sakanya kung kamusta na kami ni baby ganon and nagreresponse naman siya so goods kami kasi kahit papano alam niya mga nangyayari samin ni baby.
Dahil hindi ko naman siya kasama, nag decide na muna ako umuwi sa bahay at pumapasyal lang ako sa bahay nila minsan tsaka gawa na din ng covid di na ako masyadong naglalabas labas kasi nakakatakot. Sa bahay nagagawa ko lahat ng gusto ko kasi wala naman pinaniniwalaan sina mama na "wag iinom ng malamig, wag mag shoshower sa gabi malalamigan si baby, mag medyas pag matutulog and so on.." Though iniingatan ko naman sarili ko kasi ayoko mag suffer si baby pagdating ng panahon.
Nag decide ako pumasyal sa bahay nila ngayon lang para naman updated sila kung ano na nangyayari sakin tsaka nakapag takelife kasi si hubby tapos nasabi ata nila na dina ako pumapasyal don kaya sinabihan ako ng bf ko na pasyal ka naman sa bahay ganito ganyan.. So pinasyal ko nga sila.
Here's my problem. Hindi po sila kagaya sa bahay na nagagawa ko lahat ng gusto ko. Though bjnibigay naman nila lahat ng pagkain na kailangan ko even the fruits ganon walang problema sakanila pagdating don. Pero sa pagtulog at mga galaw maraming bawal. Bawal magshower sa gabi magagalit sila kasi malalamigan daw si baby, Bawal uminom ng malamig na tubig or any beverages, dapat maligamgam lang, bawal matulog sa hapon at mag medyas pag matitulog sa gabi and so on.. okay lang naman po kaya kong sundin yung mga binabawal nila kahit na malaking adjustment yung gagawin ko kasi nga mainit katawan ko lagi ako pinagpapawisan kaya gusto ko magshoshower ako SANA sinunod ko nalang lahat. Pero yung matutulog ng walang electric fan diko na kaya yon sinubukan ko naman pero di ako nakatulog the whole night kasi napaka init tapos pinagmedyas pa nila ako. Ichecheck pamandin nila kung ginawa ko o hindi. Tama po bang sinusunod ko sila kahit na labag sa loob ko at di naman po talaga ako sanay matulog ng walang fan. Haha alam ko simpleng problema lang to pero kasi triny ko iopen yung fan para malamigan ako kasi tagaktak na ako sa pawis tas biglang sinisilip nila ako sa kwarto, alam ko may mga nasasabi na sila na ay ang tigas ng ulo ganito ganyan pero ikamamatay ko talaga eh pag walang fan haha kasi kahit gaano kalamig gumagamit ako ng ganon walang gabing hindi pwedeng di ako gumamit. #advicepls #1stimemom #theasianparentph
Anonymous