28 Replies

Ganun talaga pag buntis tayo momsh. Share ko lang din, Ako nga Librr ung checkup ko kasi sa Amusop cover ako ng husband ko. Pero ang gasto padin magbabayad ka sa driver 500, Foods nyo pa less than 1k. Gasolina pa pasok palagi sa less than 2k kasi full tank ginagawa ko lagi. Minsan abot pa sa 3kplus.. Plus vitamins pa.😌

Ano ba ung mga gamot na un sis? Sakanya lang daw ba nakakabili non? Pede ka naman tumanggi sa gamot. Sabihin mo meron ka iba mabibilhan lalo na if puro mga vitamins lang naman. Buti ako reseta lang binibigay ng OB ko walang pilitan. Pero kahit sa labas ko bilhin mga reseta nia mahal pa din talaga. Haha.

May OB na considerate sa kung ano ang affordable like my OB if may laboratories needed mas gsto nya sa mura lang ako magpunta. Ob ko every checkup is 700 sa madocs. Then reseta lang ako ng multivitamins and folic at calcium and iron. Okay na. Hndi rin sya mayat maya ultrasound.

Dito saamin 1k ang ultrasound 500 check up..1st na ultrasound ko gusto ko i confirm if preggy maliban sa pt ng positive ngpa ultrasound ako and then di ako na satisfied dahil maaga pa daw babalik ako after 3 weeks .1k na naman 😅.. buti nga sainyo kasama na gamot.

Noong una po ganyan din po ako. Hehehe, pero nung palapit na po ang due date, lumipat na po ako sa govt hospital, free check up at di ganun ka mahal ang mga labs po, try niyo din po lumipat nalang if ever momsh..tska be honest po sa OB doctor niyo,

As patient may right to refuse ka kung ayaw mo bumili at take yung medications na sakanya mo mabibili. Pwede mo din try sabihin sakanya na sakto lang dala mong cash for checkup. Ngayon kung mapilit.. Pwde ka naman palit ng OB

TapFluencer

hmm pde mo siguro irefuse un gamit sis, un check up nasa 500 ptaas un.. tapos yun gamot d mo aman bbilhin ng isang buwan un pag nagppunta k sa botika db, usually good for 2 weeks lang kasi un ibang gamot sa susunod n sahod n ulet 😅

hello Mi. Rate ko po monthly sa Ob ko is 2500 check up ang vitamins plang po un. nitong april po last kong binayaran is 5k kasama po ung flu vaccine ko and for hepa na vaccine. Kung private po ang Ob nio normal po yung ganyang rate :)

TapFluencer

ganyan ako nung sobrang sensitive ng pregnancy ko. kelangan nas private na OB. pero if hindi naman sensitive po, pwede ka mag palit ng OB, or try mo sa mga lying in. kase mas mura dun.

same tau mii pero ok lang inaalagaan nmn ako mabuti ng ob ko... kYa kahit gumastos monthly eh ayos lang basta ok kmi ni baby❤

Trending na Tanong

Related Articles