First time mom here.

Hello. Gusto ko lang po magtanong ng experience nyo sa OB nyo? Ako lang ba dito yung sobrang namamahalan sa monthly check up ko? Every month umaabot ng 1k to 3k lahat ng binabayaran ko sa check up kasama na yung gamot. Hindi naman ako makatanggi kasi Inaabot na kaagad nung OB ko ung mga gamot without asking kung afford ko ba sya bilin. Feeling ko kasi napapamahal ako sa OB ko. Nacocompare ko kasi ung nagagastos ko sa ibang mga buntis. Any thoughts mga mommies? #1stimemom #advicepls #pleasehelp

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You can say no naman mamsh, sa previous obgyne ko nung ttc pa lang kami hindi ako namimili ng gamot sakanila kasi pag may reseta ako di naman sila nagtatanong if bibili ako sakanila or hindi kaya sa labas na lang ako namimili, may kamahan lang talaga yung check up sakanya kasi obgyne sono na sys hindi na need humanap ng mag uultrasound. Now sa new obgyne ko na pinuntahan namin dahil preggy na ako, naka focus sya sa highrisk pregnancy and may ultrasound na din sya, mahal din yung check up sakanya kasi nga may ultrasound dn pero sa price ng gamot naman na meron sila mas mura kumpara sa labas kaya dun na din ako namimili sakanila. Last check up ko 3k ang binayaran ko kasama yung 14 days na meds, 5 na ibat ibang gamot, ultrasound and consult. Mas comfortable ako sa bagong obgyne ko ngayon, kasi hindi ko na kelangan mamili sa labas ng gamot kasi mas mura sakanila

Magbasa pa

nagpalit ako ng ob because una hindi niya totally specialty ang pregnancy, more on infertility siya. and yes mahal ung vitamins umaabot ako ng 600-800 pero 5 days. umaabot ako ng 2k-4k sa check up, wala din ung machine for ultrasound dun so after ng check up ko sa kanya ultrasound sa labas tapos pabasa sa kanya so triple gastos. mabait naman kaso medyo nagipit na. plus may infection ako na pabalik balik, i changed ob for 2md opinion 400 check up ko sa bagong ob, nachecheck din si baby sa ultrasound ng walang additional basta walang print. then vitamins ko dun is 350 for 15 days na. private ob din un. wala naman masamang magpalit ng ob at tumanggi sa vitamins na reseta niya. need din natin budget for baby pag labas/pambili gamit

Magbasa pa

Nope. Dapat iask mo siya para san ang gamot and kung may generic ba nyan, or kung pwede ka sa labas bumili nyan. Ang patient-ob relationship ay sobrang importante mommy. Kung sa ganyang mga check up plng naiilang ka na, paano pa pag nanganak ka na? Dapat maging open ka kay ob mo. Right mo mag ask, right mo mag refuse. At the same manner, may right din si ob. Kaya again, inportante na comfortable kayo sa isat isa. Tandaan mo mommy, nakasalalay kay ob ang kalusugan nyo ni baby.

Magbasa pa

Mahal talaga magbuntis accept na natin yung reality na yun. Makakamura ka lang talaga kung sa Brgy.Health center ka papacheck up kasi may libre na ding vitamins 😊 Pero kung afford mo namang magprivate na OB you can politely ask na lang kung pwede sa iba na lang muna bumili ng ganto ganyan na pinabibili nya. Sa OB ko kasi lagi syang may options. Pero syempre preferred nila sa knila ka bibili kasi nga may tubo. Be honest na lang kung kulang ang budget talaga.

Magbasa pa

Im 30 weeks pregnant now, ang ginawa ko mie nag pa reseta lang ako ng mga gamot/vitamins sa OB ko, one time lang. Mga 11 weeks pa sguro yung tummy ko nun. Tas di na ako bumalik. But I make sure na complete lahat, naka Anmum ako, my vitamins are FOLIC ACID, CALCIUM PLUS, FERROUS and REGENESIS MAX. Twice na din ako nag pa ultrasound, done na din sa papsmear. Thank god okay naman ako at ang baby ko, until now nag tatrabaho parin ako as call center agent 🙂

Magbasa pa

Hala! Hahahha ganyan din ob ko miii may sarili na sila mga gamot vitamins pero tinatanggihan ko kasi mas mura talaga sa ibang botika nga generics lng afford ko wala nmn sila magawa nung una oo lng ako ng oo pero nung tumagal na tinatanggihan ko na, nga pala mii lying lng ako may midwife at ob don sa ob po ako nag paalaga so far ok nmn po sya monitor nya palagi c baby 18weeks preggy here

Magbasa pa
3y ago

Same mi lumipat ako lying in.. Maalaga ung nag checheck up sakin magaan din pakiramdam ko.. ung last ob ko Dami gastos huhu.. ok lang naman para kay baby.. pero Minsan Pag follow up check up ko before 10minutes na check up 500 na agad bayad :(

TapFluencer

You can say no naman sa OB if short Ikaw sa budget when it comes sa mga gamot. If you feel uneasy or you are not connecting with your OB you can seek other OB na can help you with your needs special our emotional needs kasi nga very sensitive ang buntis and May mga OB na mas makakatulong sa atin at some point. So either you let your OB know or find new OB 🤗♥️

Magbasa pa

sa akin po umaabot ng 2k mahigit sa check up at laboratory. yung vitamins at gamot ko pa umaabot ng 4k kada kinsinas. pcos kasi ako kaya medyo strict yung ob ko. pero okay lang yun, para naring sa safety ni baby. mas praning pa nga ako pag relax lang eh. gaya nong ibang nababasa ko dito na sa public center at hindi man lang ni request or binigyan ng vitamins.

Magbasa pa

ganyan din po una ko na check-up sa OB umabot po ng 5k,1250 po bayad pa lang sa check-up at TVS niya,the rest po sa vitamins at gatas na reseta niya. tapos halos hindi pa sya matanong,kasi sige sila ka chismisan ng assistant niya na dapat pasyente niya kinakausap niya. kaya nung 2nd check-up ko lumipat na ako ng OB,mura na sobrang bait pa.

Magbasa pa

I just had my monthly check up knina.. Ang budget ko tlga Lang is 5k kasama ung required lab tests ng internist & checkup, OB Checkup Sana plus 2nd dose of hepa shot. Kaso ang gulat ko na may anti flu shots din Pala knina na 1750..so in other words 0B alone Naka 3550 ako. Iniisip ko nalang need at inaalagaan nya lang ako. Hehehe

Magbasa pa