Pa advise sa mga napagdaanan yung ganito

Gusto ko lang po magtanong at humingi ng payo sa mga katulad ko na napagdaanan ang parehong sitwasyon sa buhay mag-asawa.buntis po ako ngayon at mag anim na buwan na.nahuli ko po kasi si mister ko na napapadalas ang panonood ng porn at nagmasturbate.parang nakakadegrade po ng pagkatao bilang partner nya.ang daming tanong sa isip ko at pakiramdam ko wala na syang desire sakin.ano po ba ang magandang gawin?parang nawawalan na po tuloy ako ng amor sa ginawa nya.normal lang po ba yung ganun?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello. Kausapin niyo po. Sabihin mo kung ano yung nararamdaman at naiisip niyo sa ginagawa niya. May mga dahilan kasi minsan kung bakit nila ginagawa yan.. 1. siguro ayaw nila galawin yung asawa nila habang buntis kasi natatakot sila baka maapektuhan ang baby. 2. Nanunuod sila ng porn, hindi dahil nae-excite sila sa katawan ng babae, naeexcite sila sa nakikita nilang ginagawa ng dalawang tao at kung paano nasasarapan yung porn actor/actress. 3. May mga lalaki na ginagawa yun kasi gusto lang nila palabasin ang sperm nila dahil masarap labasan, at para ganahan nanunuod ng porn.

Magbasa pa
4y ago

salamat sis sa pagsagot mo.honestly,nakakapagod makipag usap.lalo na kung di mo makitaan yung kausap mo ng willingness na makinig.mag6months na tyan ko pero di pa ako nakapagpa monthly check up except sa ultrasound.sya ang may gusto na magka anak ulit.pero yung concern di ko maramdaman.gusto kong manatiling positive para sa mga anak ko.minsan naiisip ko na mas okay kami lalo na ako nung hindi namin sya kasama.kasi ngayon kasama man namin sya pero madalas umaalis din sya.