SSS Maternity
Gusto ko lang po magtanong. Ano po kayang pwede kong gawin. September pa po ako nagpasa sa HR namin ng requirements para sa sss matben. Dahil nag leave na po ako this Dec nag follow up na po ako sa HR namin about sa status dahil by December or January first week daw dapat makukuha ko na. Tapos ang response nila sa akin is wala raw sila narreceive na form at di raw nila na process. Nai stress laang aako hinihingian nanaman nila ako ng mga requirements di ko alam if need ko na ako na mag asikaso directly sa sss kaso ayaw ng asawa ko dahil responsibility daw yon ng employer ko at hindi ko raw kasalanan na naiwala nila yung mga ipinasa ko.