Same tayo situation mi. nag sama kami ng asawa ko ng walang wala at kakagraduate niya lang ng college nun. Yung asawa ko wala siyang fam kundi ang lola niya lang na stroke pa kaya nasa puder yung lola niya sa tita niya kaso di niya kaclose at puro pera lang ang gusto sakanya kaya nakitira siya sa mga kaibigan niya, nung nagkakilala kami sa FB lang at inamin niya sakin lahat lahat hanggang sa nagkita kami at nagpunta siya dito sa bahay namin nung natanggap siya sa work sa manila at unang sahod niya. After pag punta niya samin nagustuhan siya ng fam ko at nag pasya na sila na dito na siya patirahin since wala siyang fam at nakikituloy lang sa tropa niya. Nag sama kami walang wala kami at nakikitira lang kami dito sa bahay ng parents ko pero nakikita ko naman na may pangarap siya para sakin at magiging fam namin kung sakali palagi siyang nag bike para lang magpasa ng resume, Siguro mga 1year halos bago siya makatanggap sa work. Kaso nung kakatanggap lang niya sa work unexpected na nabuntis ako kaya wala talaga kami ipon buti may fam akong sumusuporta sakin maski panganganak ko si dad ang halos magbabayad kasi kita naman niya naman hirap ng asawa ko at naiintindihan namin kung bakit wala siyang ipon pampaanak ko. Pero kahit ganon naappreciate ko pag aalaga niya sakin, pagmamahal niya samin ni baby kahit di pa siya lumalabas. Kaya ikaw mi hanapin mo ulit kung bakit kayo nagsimula at kung bakit Siya ang napili mong mahalin at magkaroon ng pamilya. Ganyan rin kasi ako before parang nagsisisi ako na nag asawa ako dahil di niya nahihit yung expectations na hinahanap ko or yung standards ko habang wala pa akong anak. Diko siya sisisihin dahil parehas namin ginusto magkababy e. Kaya ikaw yun lang payo ko mi try mong iappreciate yung ginagawa ng asawa mo kahit wag kana muna tumingin sa materyal or pera na pagkukulang niya sayo, kung yun lang ang problema mo napakaliit na bagay non kung inaalagaan ka naman ng maayos at dika pinababayaan simula sa pagbubuntis mo.At sure akong nahihiya rin yun sa fam mo kaya sa halip na ipakita mo sakanya pagkukulang niya, ipaintindi mo nalang sakanya lahat ng hinanakit mo may mga tao kasing di namin hawak ang isip e kung baga kala natin ayos lang sakanila at baliwala sakanila pero in the emd parang sasabog na utak nila sa sitwasyon niya. Give and take lang mi para iwas gulo at para di rin kawawa si baby nyo mahirap ang broken fam. Yon lang godbless nawa po maging okay kayo 🥰❤️
Karen