Goodbye My Baby Nisha Calixa πŸ˜­πŸ‘Όmy 18weeks baby 😭

Gusto ko lang po ilabas yung lungkot ko kasi iniwan na po ako ng baby Nisha Calixa ko. πŸ˜­πŸ˜” Nov. 30 mga bandang 2am ng madaling araw masakit na yung balakang at puson ko. Which is di na ako nakatulog ng maayos nakakaidlip lang pero magigising ulit pag sumasakit. Araw din ng check up ko ng Nov. 30 kaya di na rin ako nagtuloy tulog ko 5am gising na gising na ako. Pabangon bangon na ako kasi di na ako mapakali masakit talaga puson at balakang ko. Kaya pa naman ang pain kaya di ako ganun nagworry kasi madalas ko sya maramdaman. Mababa kasi matres ko at Nov. 1 pa lang dinudugo na ako. Muntik na ako makunan nung Nov. 4 kasi nilalabasan na ako ng malalaking dugo at parte ng inunan. Pero nung nagpacheck up ako sa Ob ko okay naman daw baby malikot niresetahan ako pampakapit. At gamot sa contractions ng tiyan ko. Pero nung IE ko nun open na open daw cervix ko pero ayun nga wla naman ibang sinabi si ob kundi continue sa pampakapit. Not knowing na pede pala tahiin ang cervix kapag open cervix kasi kapag open daw e anytime pede lumabas ang baby. Eto na nga po nangyari, aalis na sana kami nung Nov. 30 para magpacheck up pero parang di ko kaya kasi sa sakit ng puson ko at balakang di nawawala as in umiiyak na ako hanggang sinabi ko sa asawa ko na" dalin na ako sa ospital hindi ko na kaya" Bukid pa kami malayo sa bayan. Tumawag na sila sa ambulansya dito sa barangay namin habang inaantay lalo sumasakit at ramdam ko na may lalabas na. May pumutok na at para akong naihi lalo akong umiyak at natakot. After 2 mins napahiyaw ako sa sakit sabay paglabas ng baby ko. 😭😭😭😭nanghina na ako. Nakapa ko na paa nya. Sa bahay pa lang nailabas ko na sya. Di na inabot sa ospital. Nanghihinayang lang ako kasi nung niraraspa na ako sabi ng Ob ko " sa susunod na pagbubuntis mo tatahiin na kita" may option naman pala na tahiin cervix ko noon pa lang di naman sinuggest sakin. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜” Naagapan sana buntis pa sana ako. Regular naman ang check up ko. Kulang na lang tumira ako sa clinic ng OB ko kasi maselan ako. Kumpleto sa vitamins pampakapit. Bed rest kung bed rest ako. Iningatan naman namin ang baby ko. Pero kinuha pa din sya sakin. 😭😭 Sobra pong masakit di ko po matanggap. Di man lang nabigyan ng chance ang baby ko na mabuhay. 😭😭😭😭 Di man lang ako nabigyan ng chance mapalaki sya. 😭😭😭 Sabik at excited pa naman kmi sa kanya. Lagi ko naman pinagdarasal na kahit Lord makaisa lang ako. Okay na ako magkaanak lang ako. Kasi nga po sobrang selan ng pagbubuntis ko. At pangalawang beses ko na po ito na nakunan. Siguro nga po di pa rin po ito para samin. Pero minsan naiisip ko po parang ang unfair po. 😭😭😭😭 Yung iba ayaw naman magkaanak , magulo ang pamilya, hirap ang buhay. Ako naman po masaya naman po pagsasama namin ng asawa ko, ready naman na po kmi magkaanak. Pero di pa din po kami pinagbigyan. 😭😭😭😭Masakit lang po talaga. Di ko po alam kung ano po plano ni Lord skin. Pero hinahabilin ko na po sa kanya ang Baby Angel Nisha ko. Baby Nisha tulungan mo ako makabangon ulit. Sa ngayon masakit, sobra akong nalulungkot. Lagi kita ipagprapray. Bantayan mo kami ng Dadiii. Mahal na mahal ka namin Baby ko. 😭😭😭

Goodbye My Baby Nisha Calixa πŸ˜­πŸ‘Όmy 18weeks baby 😭
712 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

gnyan po tlga ang buhay... may plano c God.. mdalas din mkunan ang ate ko pro pray lang.. kung di sya nkukunan bka 6 na anak nia.. Mhirap nmn cgro mbuhay sya pro sakitin sya or mghirap sya db mas msakit mkita na ganun ang anak naghihirap... Nakaplano lahat kay God tiwala lang...

Condolence mamsh. Hindi pa siguro para sayo. Sa pagbubuntis natin kailangan sasabayan din natin ng dasal, rosary dapat gabi2 bago matulog. Dahil ang Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari. Kahit anong pag iingat natin kung ayaw niya ibigay wala tayo magagawa.

We're sorry for your loss mommy 😭 Pakatatag ka po . Keep praying & fighting . Baby Nisha is now on God's hand πŸ™ and she is now your guardian angel . God bless you always. Don't lose hope. Everything happens for a reason. Keep the trust on HimπŸ™πŸ˜Š

condolences Po mommy πŸ™ pa lakas Po kayu Alam ko Po may Plano si God ☝️ para sa inyu wag Po kayu mawalan nag pag asa mommy darating at babalik din Ang munting angel nyu sure Po ako na makaka baby ulit kayu Basta Po ingatan nyu sarili nyu God bless PoπŸ˜ŠπŸ˜‡

habang binabasa ko po dko mapigilan tumulo ang luha ko 😭 condolence po bibigyan karin ni lord πŸ™ manalig kalang kahit 10weeks preggy palang ako sobrang iniingatan kuna sya kasi sobrang selan ko rin at highrisk din pagbubuntis ko pray lng po lagi πŸ™πŸ™πŸ‘

condolence mommy. naiiyak ako. may plano si Lord sa buhay naten. may plano si Lord kung bakit nangyayari saten ang mga bagay na di naten inaasahan. pero kapit ka lang. stay strong. may mas better na kapalit si Lord para sayo. magtiwala ka lang sa kanya. 😊

VIP Member

Condolences mamsh :( another sunshine will come. Pray lang po. With my experience naman after ng pre term birth ko, my premature baby boy died. 8years na pero hindi pa rin nakakabuo. I feel you mamsh. Yung iba ang dali lang magbuntis. πŸ₯Ί lets not lose hope.

mommy condolence don't worry po magkakaroon kau ng anak dasal lang ,ramdam ko yan kesa akin todo alaga at lht ng gamot iniinom ko nmty pa din ank ko 9 months ko din dinala sa tyan.wag kang maestress and depression alagaan sarli ,angel nio na siya.πŸ˜‡

VIP Member

Nakakadurog naman ng puso.Yung may chance naman pala sana sya mabuhay pero sa isang pagkakamali lang eh namatay si baby na walang muwang.Hugs for you momsh.Pag pray ko si baby Nisha mo :'( Weakness ko talaga makakita ng ganitong stories :'(

same experience sa baby khiluah koπŸ˜” 20weeks lumabas na siya sakin, nainormal ko din cord coil lang and suhi pa. paa una lumabas sakin. pray lang po and may your body and mind take time to heal. dadating din po yung para sayo, kapit lang po kay God.

Post reply image
4y ago

sis, matanong lang .. sa result po ng ultra ko nung dec22 14weeks/3days nako non. tapos, breech presentation sha sis.. tapos, may naka lagay din sa result "No nuchal cord coil seen. ano ibig sabihun non? salamat sasagot po.πŸ˜‡πŸ’–

Related Articles