Goodbye My Baby Nisha Calixa πŸ˜­πŸ‘Όmy 18weeks baby 😭

Gusto ko lang po ilabas yung lungkot ko kasi iniwan na po ako ng baby Nisha Calixa ko. πŸ˜­πŸ˜” Nov. 30 mga bandang 2am ng madaling araw masakit na yung balakang at puson ko. Which is di na ako nakatulog ng maayos nakakaidlip lang pero magigising ulit pag sumasakit. Araw din ng check up ko ng Nov. 30 kaya di na rin ako nagtuloy tulog ko 5am gising na gising na ako. Pabangon bangon na ako kasi di na ako mapakali masakit talaga puson at balakang ko. Kaya pa naman ang pain kaya di ako ganun nagworry kasi madalas ko sya maramdaman. Mababa kasi matres ko at Nov. 1 pa lang dinudugo na ako. Muntik na ako makunan nung Nov. 4 kasi nilalabasan na ako ng malalaking dugo at parte ng inunan. Pero nung nagpacheck up ako sa Ob ko okay naman daw baby malikot niresetahan ako pampakapit. At gamot sa contractions ng tiyan ko. Pero nung IE ko nun open na open daw cervix ko pero ayun nga wla naman ibang sinabi si ob kundi continue sa pampakapit. Not knowing na pede pala tahiin ang cervix kapag open cervix kasi kapag open daw e anytime pede lumabas ang baby. Eto na nga po nangyari, aalis na sana kami nung Nov. 30 para magpacheck up pero parang di ko kaya kasi sa sakit ng puson ko at balakang di nawawala as in umiiyak na ako hanggang sinabi ko sa asawa ko na" dalin na ako sa ospital hindi ko na kaya" Bukid pa kami malayo sa bayan. Tumawag na sila sa ambulansya dito sa barangay namin habang inaantay lalo sumasakit at ramdam ko na may lalabas na. May pumutok na at para akong naihi lalo akong umiyak at natakot. After 2 mins napahiyaw ako sa sakit sabay paglabas ng baby ko. 😭😭😭😭nanghina na ako. Nakapa ko na paa nya. Sa bahay pa lang nailabas ko na sya. Di na inabot sa ospital. Nanghihinayang lang ako kasi nung niraraspa na ako sabi ng Ob ko " sa susunod na pagbubuntis mo tatahiin na kita" may option naman pala na tahiin cervix ko noon pa lang di naman sinuggest sakin. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜” Naagapan sana buntis pa sana ako. Regular naman ang check up ko. Kulang na lang tumira ako sa clinic ng OB ko kasi maselan ako. Kumpleto sa vitamins pampakapit. Bed rest kung bed rest ako. Iningatan naman namin ang baby ko. Pero kinuha pa din sya sakin. 😭😭 Sobra pong masakit di ko po matanggap. Di man lang nabigyan ng chance ang baby ko na mabuhay. 😭😭😭😭 Di man lang ako nabigyan ng chance mapalaki sya. 😭😭😭 Sabik at excited pa naman kmi sa kanya. Lagi ko naman pinagdarasal na kahit Lord makaisa lang ako. Okay na ako magkaanak lang ako. Kasi nga po sobrang selan ng pagbubuntis ko. At pangalawang beses ko na po ito na nakunan. Siguro nga po di pa rin po ito para samin. Pero minsan naiisip ko po parang ang unfair po. 😭😭😭😭 Yung iba ayaw naman magkaanak , magulo ang pamilya, hirap ang buhay. Ako naman po masaya naman po pagsasama namin ng asawa ko, ready naman na po kmi magkaanak. Pero di pa din po kami pinagbigyan. 😭😭😭😭Masakit lang po talaga. Di ko po alam kung ano po plano ni Lord skin. Pero hinahabilin ko na po sa kanya ang Baby Angel Nisha ko. Baby Nisha tulungan mo ako makabangon ulit. Sa ngayon masakit, sobra akong nalulungkot. Lagi kita ipagprapray. Bantayan mo kami ng Dadiii. Mahal na mahal ka namin Baby ko. 😭😭😭

Goodbye My Baby Nisha Calixa πŸ˜­πŸ‘Όmy 18weeks baby 😭
712 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nawalan na din ako ng baby..sobrang sakit after 4years biniyayaan kami s hindi inaasahan panahon...hindi man namin pinaghandaan tinanggap namin at nag ingat kami ng sobra para hndi mangyari ulet makunan ako. kaya mo yan sis same na same tayo kaso cervix ko hindi nag oopen lining ng matress kaya salamat din sa pgh.hindi ako pinabayaan.laban sis dadating din para sainyo

Magbasa pa

condolence p0 πŸ˜”....napaiyak talaga ako nung binabasa ko to naranasan koren kasi mawalan nang anak at subrang sakit naparang mababaliw kana..piro pray lanyo sis na sana sa sosonod na mag kanak tayo ehh aten natalaga at di na sya mwawala ...yan dn penag pepray ko sa baby ko now 5months preg p0 ako olit ...may plano si god sis para satin πŸ™πŸΌπŸ™πŸΌ...

Magbasa pa
VIP Member

magkakababy ka pa din momi...push mo Lang wag kang mawalan Ng pagasa...Condolence momi...May the Lord comfort you. Pray to the Lord,he has a perfect timing for you...eventhough di natin maunawaan ung kaparaanan Niya but trust his plan sau.Godbless momi..In the name of Jesus your desire to have a baby will happen as your heart desires...claim it momi.Amen

Magbasa pa

condolence sis i feel you ganyan din nangyare sakin 2years ago.. pero 2mos. lang siya nun.. ngaun preggy ulit ako natatakot ako kase baka mawala na naman siya sakin.. sensitive din ako magbuntis rh negative kase ako.. hopefully dis time mabuhay siya na as in ibigay na siya samin.. prayers for you sis.. naluha ako.. godbless sainyo

Magbasa pa

I felt sadness reading your story, it's hard to accept talaga. But always remember nalang na God is in control.. ibibigay nya yun kung para sa inyo talaga. Ang masasabi ko lang is, nasa heaven na si baby kasama ni Lord. Doon di sya mahihirapan, isa na syang angel.❀ Kapit lang kayo mag asawa, in God's perfect timing sis...

Magbasa pa

nakikiramay po ako. I also have miscarriage last year po 1st baby kopo yun 4 months po sya nung nawala. I know the pain halos Ilang buwan din bago ako naka recover talaga. Salamat sa help ng family ko sa asawa at kaibigan ko naka recover ako sa pagkawala ni baby. Pakatatag kalang momsh may darating parin para sayo.

Magbasa pa

Condolence po mommy.. Huwag ka mawalan ng pag-asa ha. At patuloy lang tayo sa pag pi-pray kay Papa Jesus. Everyday po tayo lagi magpi-pray na sana e-bless tayo ni God ng successful and uncomplicated pregnancy. Huwag tayong magskip sa pagpray araw araw. Let's stay healthy, happy, safe & positive! God bless us all.

Magbasa pa

Condolence po, Mommy. Ang sakit po ng nararamdaman nyo ngayon. I will pray for you po Monmy, and your little angel. Hindi natin malalaman ang purpose ng Diyos kung bakit Nya in-allow mangyari ito sa inyo. Pero trust in His plans na lang po Mommy. Basta may buhay Ma, may pag-asa. At happy ako na safe po kalusugan mo. Hugs Ma!

Magbasa pa

Condolence po, alam ko po pag open na ung cervix, pinagbebedrest na po. Mababa din po matres ko, first baby ko 5 months po ung baby nung nakunan ako. Tapos itong pangalawa na nabuhay, 7 months bedrest na po ako kasi sumasakit na tyan ko, tas open na ung cervix ko. Buti successful po ung bed rest ko. Stay strong po mommy..

Magbasa pa
VIP Member

condolence po mommy. nag preterm labor din ako sa twins ko nung 32weeks pa lg. tinahi dn ung cervix ko ksi 2cm na. pero hndi sya literal na tahi, bale pagpapahingahin ka sa ospital,total bedrest, catheter, dextrose at maiging gamutan. naadmit ako for 4days and after nun, ie ulit.close na. kaya discharged na.

Magbasa pa
Related Articles