share Lang...

Gusto ko Lang malaman, na experience nyo din po ba na parang walang pake partner nyo? Nakakainis, Yung di makaramdam sa hirap ka dahil sa Malaki na tyan. 8mons pregnant ka na. Kung maka pag utos boss na boss, panay utos Wala Naman siyang ginagawa. Tas malakas loob mag galit galitan. Kaimbyerna. Tas panay pa asar sa pag babago mg katawan mo, ng balat mo. Haaaays ?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi din po, minsan ako na pp naaawa sa asawa ko😥pero napakaswerte ko pala sa asawa ko kahit di ako magsalita o magdemand alama nia na lahat, nakakaintindi sia, kimukusa pati sia, kahit before pa na ma bedrest ako dahil risky ang pagbubuntis ko, sia na talaga gumagawa lahat lahat, naappreciate ko lahat ng hirap nia, naaawa kasi sia sakin, ayaw nia ako nakikitang nahihirapan nasasaktan...minsan nahuhuli ko nalang sia nakatitig sa akin na naluluha😅sia nagpapakain,papaligo,nagpapabangon sakin...twing may nararamdamang sakit natataranta na...minsan gusto nia akuin ibang sakit na nararamdaman ko..kung pwede lang talaga...kaya mahalaga talaga sa una palang maintindihin ang partner mo lalong lalo na sa stage na ganito😊

Magbasa pa

Nope po. Bf/gf pa lang kami maalaga na sya hanggang maging mag asawa kami. Di pa ko buntis sya na gumagawa ng gawaing bahay. Bihira lang ako magluto o maglinis pag gusto ko lang since wala akong work pero yung laba committed sya dun. Nagagalit pag may nilabhan akong konti, bka napagod daw ako maghapon. Lalo na ngayong buntis ako, sya daw lahat gagawa kahit pa may work sya. Sa pag inom ng vitamins, sya pa nag aabot sakin pag nakakalimutan ko. Kung ano kasi yung binabalewalang ugali mo sa partner mo sa una pa lang naging kayo, ikaw magsasuffer sa huli. Akala nya kasi okay lang sayo. Kausapin mo po yan kasi kawawa ka tlga pag nanganak ka, need mo ng mag aasikaso sayo.

Magbasa pa

Iba iba talaga. Haaays. Yung akin, pati pag Kain Niya kailangan ako pa mag sasandok. Kapag gusto nya mag exercise sa hapon sa kwarto, gusto nya lumabas muna ko ng kwarto, kahit kagigising ko Lang sa hapon. Kailangan pag oras na ng papawis nya. Bumangon nako 😔 haays Yung feeling na naalimpungatan kapa. Tas kailangan lumabas kana. Saklap. Tas uutos p kuhaa. Sya ng tubig sa baba. Pag meryenda, ako pa uutusan bumili sa labas. Jusko po. Naawa nalang ako sa sarili ko minsan, di nalang kikibo. Dahil sya pa galit. Kailangan siya masunod. Sabi ko nga para Kang direktor Lahat ng galaw ko inuutos mo 😔

Magbasa pa

Kahit LDR kami ni hubby, sinisigurado niya na okey kami ni baby, nagtatanong everyday kung ano ang plano ko sa araw na yun since iba time zone namin, umaga dito, gabi sa kanila. Nireremind ako na mag ingat kasi dala2 ko anak namin. Matagal din kasi namin pinangarap na magka baby eh kaya ganun siya. Even before na mag bf gf palang kami, sobrang caring nya. Kasa maswerte kami na baby sa daddy niya. Baka magbago yan sis once lumabas na baby nyo.

Magbasa pa

Hindi hehe. Mula ng maging kami laging siya ung kumikilos pag nasa kanila ako,ako panga tong utos ng utos HAHAHHAHAHA ngayon na preggy ako sobrang maalaga padin naman siya,kaso minsan kase kahit abot ko na kukunin ko,inuutos ko padin kase sobrang tamad ako kumilos netong buntis ako,kaya minsan naiinis saken kase kailangan ko daw mag kilos kilos para daw exercise,eh ang kaso ginagawa niya din naman inuutos ko HAHAHHAHAHAHAH

Magbasa pa

Need mo lang ipaintindi sa partner mo yong pinagdadaanan mo ngayon, minsan hindi nila alam anong hirap yong nararamdaman ng buntis. Explain mo sa kanya ng maayos na mabilis ka mapagod and most of the time hindi maganda pakiramdam mo dahil sa changes sa body mo. Your partner should help you go through your prenancy kse hibdi madali. Kausapin mo lang ng maayos. Kaya mo yan😊para din kay baby👶

Magbasa pa

Hindi. Maalaga siya. Though, may mga pinag-aawayan talaga kami dahil moody ako kahit hindi pa ako buntis. Siya din lagi gumagawa ng gawaing bahay. Ipaintindi mo na lang sa partner mo na mahirap ang pinagdadaanan mo. Kawawa ka momsh kapag nanganak ka na, baka ikaw pa utusan niyan kahit kalalabas ng anak niyo. Maigi din na sana kung maari, kausapin mo mama mo na kausapin siya.

Magbasa pa

Hindi. 5 months palang akong preggy... Mula nung positive result halos cia na lhat gumgawa, Ultimo binili lng ako NG pagkain ko sa tindahan nggalit cia, gusto Nia cia Lang! Lhat NG needs ko bnbgay Nia,😊 Taz Mula nung 3months na tyan ko hndi na Nia ako gingamit, KC baka ma harm daw baby Nia. Khit cnbi p nung ob na ok lng ako gamitin..

Magbasa pa

Hindi. Ako panga yung nag uutos sa kanya like magbubuhat ng mabibigat saka kapag may pinapaabot ako sa kanya. Minsan naiinis ako sa kanya kasi mapang asar naiirita ako kaya ayun tuloy kamukhang kamukha niya anak namen. Kausapin mo nalang po yung asawa niyo ipaintindi niyo po sa kanya na nahihirapan ka lalo na preggy ka

Magbasa pa

Hindi. Mula malaman nya na buntis ako super alaga siya sa akin. Siya naglalaba, bago siya pumasok paglulutuan muna nya ako ng pagkain na pang isang buong araw na para hindi nako tatayo.