Mali ba ko na sumama ang loob ko sa asawa ko?
Gusto ko lang malaman kung mali ba yung nararamdaman ko at dahil lang din to sa hormones ko kaya very emotional ako. 6mos pregnant ako. Birthday ng lola ko sa april 26, pero dahil matanda na at may sakit sya hiniling nya na agahan ang pagcelebrate ng bday nya dahil baka hindi na nya abutan. Cinelebrate yung bday nya ng april 18, hindi ako nakauwi dahil may work yung asawa ko nun at wala ako makakasama pauwi. April 22 namatay yung lola ko at hinatid naman nya ko sa bulacan. April 25 sunday icelebrate sana uli ng family and relatives namin yung bday ng lola ko sa huling pagkakataon bago man lang sya ilibing. Ang kaso april 25 din ang bday ng byenan ko. Mas pinipili ng asawa ko na icelebrate yung bday ng mommy nya kesa damayan ako sa namatay kong lola. Ang sabi nya dun daw kami maglunch at dinner sa byenan ko. Sabi ko kung gusto nya lunch sa kanila tas sa hapon samin or baliktad. Kaso ayaw nya pumayag. Kung pupunta daw sa lola ko sa gabi na daw sa pagkatapos ng dinner. Ang sakin naman, sino pa maaabutan ko nun na kamaganak namin kung ganon. Ang sabi pa nya sakin kung gusto ko daw ihahatid na lang daw nya ko sa umaga samin basta dun daw sya maglunch sa kanila. Sobrang sama ng loob ko. Hindi ko maramdaman yung pagdamay sakin ng asawa ko. Pwede pa naman nya icelebrate yung bday ng mommy nya kahit linggo linggo pa, pero yung lola ko huli na yun hindi pa nya ko mapagbigyan. At ngayon pa na buntis ako di ko man lang sya makitaan ng pagalalay sakin ngayon. Ang mahalaga lang sa kanya e makapunta sya sa bday ng mommy nya. Mali po ba ko? Ang sama lang talaga ng loob ko. 😢