Blessing
Gusto ko lang mag-share para sa mga soon-to-be mommy/daddy na nag iisip ipa abort yung anak nila dahil sa kani-kanilang reasons. I got pregnant last year, I was just 19 years old. Graduating student ako, nago-ojt at nagt-thesis that time. Tapos, last year nagrecur yung cancer ng mom ko kaya ang dami kong iniisip tapos october nararamdaman kong may kakaiba. I felt pregnant pero in my mind "hindi pwede 'to". Hindi ako naging ready malaman until November, nag-pt ako, positive! Nung nalaman kong positive, hindi ako masaya pero hindi ako malungkot, takot ako. Right after that sinabi ko na sa boyfriend ko, napa-yes siya ng malakas napatingin samin mga tao and kiniss niya lang forehead ko. That time hindi na ako natakot, nabalutan ng tuwa at syempre inspiration yung buhay ko. Tinago sa family ko lahat, pero open yun sa side ng boyfriend ko. 13 weeks na yung baby nung unang prenatal check up ko. Masaya ako nung unang nakita ko siya sa ultrasound. Masaya kaming dalawa, naging mas inspired. Lahat kinakaya ko stress sa school, sa ojt at lalong lalo na sa thesis nagdadasal nalang ako palagi na sana hindi maapektuhan si baby. Tinipid ko allowance ko para makaipon pambili ng gamit ni baby kasi nga hindi ko talaga pinapaalam sa family ko kasi gusto ko patunayan na makaka graduate ako on time. May time pa na ayaw ipagamit yung elevator sa school, 9th floor classroom namin tapos 10 mins nalang first subject na namin. Tyinaga ko akyatin dahan dahan para lang di ako ma-mark as absent nor late. Feeling ko dahil sa baby ko lalo akong lumakas lalo na yung loob ko. Yung mga bagay na akala ko hindi ko magagawa nagawa ko habang nagbubuntis ako. Never ako umabsent pwera lang kung hindi ko talaga kaya. Thankful ako sa mga classmates ko lalong lalo na sa bestfriend at thesis groupmate ko na sinuportahan at tinulungan ako along the way. Habang nago-ojt ako sa mental (NCMH) hirap ako itago kasi 8 months na ako nun at natatakot ako baka hindi matuloy at matapos yung intership ko kapag nalaman nila pero nilakasan ko parin loob ko at tinuloy. Tinitiis ko yung amoy sa loob para lang matapos ko yung oras. Natapos ko lahat, naipasa ko lahat at nairaos ko lahat dahil sa baby ko. Araw araw lang ako nagdadasal at kinakausap siya na magtulungan kami. Grumaduate ako on time, 9 months na ako nung nalaman ng mga ate ko. Nanganak ako nang hindi nalalaman ng mother ko, nalaman nalang niya 5 day old na si baby. Yung fears ko nuon na baka di nila matanggal napalitan ng saya. Nakatulong yung pagdarasal ko gabi gabi. Naka graduate ako on time, nag martsa ako sa PICC. Lahat yun natupad kasi I kept my baby, ginawa ko siyang inspirasyon kaya nakayanan ko lahat. Sinakripisyo ko man yung pag-take ng board exam para maging RPm para maalagaan siya, wala akong regrets dahil yung board exam nandyan lang yan pero yung first months ng anak mo saglit lang yan. Hanggang ngayon iniisip ko paano kung hindi ko siya kineep? magiging ganto kasaya ba ako? Every time na pinagmamasdan ko siyang tulog parang lahat ng magagandang bagay sa mundo meron ako dahil meron akong baby. Madami mang sakripisyo pero kapag para sa kanya walang mahirap dahil lahat kakayanin. Bago niyo isipin na magpalaglag, isipin mo na yung mga magulang mo binuhay ka kahit mahirap ang buhay, binuhay ka parin nila. Sana iparanas niyo yun sa magiging anak niyo. I promise you na kapag nakita niyo na yung dinadala niyo ngayon, kapag narinig mo na yung unang iyak nila, nakita mo na yung unang ngiti at lahat ng klaseng una, mapapasabi kayo na buti nalang binuhay ko siya. Nag-reminisce lang ako kasi ang sarap ng tulog ng baby ko samantalang kanina sobra wala niya nakakapagod nakakainis oo pero mangingibabaw parin yung pagmamahal. Lahat ng buhay ay mahalaga. :)
it's a healty Baby Girl