I just want to vent out para tumigil na ako kakaiyak :( (Long Post Ahead)
Gusto ko lang i.vent out yung niraramdaman ko ngayon, I'm 31 weeks pregnant at unplanned ang pagbubuntis ko.. Gusto ko lang magkaanak kapag nakapag graduate na ako ng college at magkaroon ng work with good salary para maprovide ko ang wants and needs ng soon to be my baby also my future family, hindi ko lang inaasahan na maaga pa ito mangyari. Pero tinanggap naman rin ako ng mga parents ko sa sitwasyon ko ngayon. Cut to the chase, sa kaka excited ko na makita si baby at nakita ko lang sa fb na may papromo yung ultrasound clinic sa kanilang 4D ultrasound, very affordable ang price at malapit lang sa area namin. Sinend ko agad yung screenshot sa partner ko na post na yun, at hindi ko inaasahan sa sagot niya.. Masyadong magastos at hindi naman ni.request ng OB yung ultrasound pero gusto ko lang malaman ang kalagayan ni baby ngayon kung healthy ba sya, nasa tamang position kaya sya, at ano kaya istura ni baby. Every mother lalo na sa first time mom na worried kung okay lang ba si baby sa loob kahit sinunod ko naman mga vitamins.. Sinabi ko nalang na sige hindi nalang sabay nahulog yung luha ko sa mata, at hindi ko na makontrol yung pag-iyak, masyado siguro akong OA.. Kahit ibaling ko ang attention ko sa iba para mawala yung pag-iiyak ko, hindi pa rin mawawala.. Ito na sinasabi ko na hindi ko magawa yung mga gusto ko dahil hindi ako financially stable at nag rely lang ni partner.. Napapasabi nalang ako kay baby na "sorry if hindi kita mabibigyan ng mga gusto mo paglabas mo, ang maprovide ko lang sayo ang kaya lang ni mama at ano ikakabuti sayo" minsan nakapaghinayang kapag maaga ka mabuntis, pero love ko parin si baby at gagawin ko lahat ng makakaya ko para ma.provide ko ang mga needs and wants ni baby.. I know na kailangan ko rin intindihin ang sitwasyon namin financially pero knowing hindi ko personally mabibigay ni baby sa mga gusto niya since I'm still a student, tumigil ko muna ang pag-aaral ko ng isang taon para makapagfocus muna ako kay baby.. Before ako nabuntis, palagi ko pinagremind sa partner ko ang reality kapag may baby na.. Mga gastos sa pagbubuntis at para kay baby, at palagi ko sinasabi sa kanya na hindi muna ako magkababy para makahanap ako ng work na maganda ang sahod at makapag ipon for house and lot, wedding, at for family.. Gusto ko kasi kasal muna bago magkapamilya.. Marami akong nasasabi na ni.regret ko, pero hindi ko na isip ang pagregret kay baby kasi wala naman sya kasalanan.. Naging pabaya lang kami ng partner ko.. Hopefully this coming September makaraos na ako sa pagpapanganak at sana normal delivery lang since mahirap ang financial situation namin, nahihiya rin ako humingi sa mga parents ko but they also want to support.. Thank you for reading, gusto ko lang ilabas na nasa isip ko bago matulog, please don't be too harsh.. Medyo nahihirapan ako since I'm mentally weak kaya dapat strong lang ako para kay baby, PPD ang kinatakotan ko ngayon at gagawin ko yung best ko para maiwasan ko yun..