(Soon-to-be) Single Mom asking for help and advises

Hello! Gusto ko lang ishare ung pinagdadaanan ko ngayon, mahirap kasi para sa katulad kong first time na magiging mommy at unfortunately will be a single mom naa dumadaan sa depression at anxiety. Kelan ko lang po nalaman na pregnant ako, this week lang Tuesday. 5 months na pala sya and it is a baby boy. Hindi ko alam na buntis ako dahil may PCOS ako. Kaya normal lang sakin na di ako dinadatnan ng regla. Pero nag PT ako ng last week ng January negative naman lumabas. Pati nung first week ng March negative. Kaya wala akong kaalam alam. Nagworry nalang ako nitong nakaraang linggo dahil 7 months na sana kong walang mens, balak ko na uminom ng pills kaya nag PT muna ko para sure. Nag PT ako ng 3x positive, pero medyo malabo ung 3rd. Nagpaultrasound ako dun ko na lang nalaman na 20 weeks na sya. So ayun na nga, tinalikuran kami ng ama nya. Hindi daw nya aakuin ung bata. Sobrang bumagsak yung mundo ko. Dahil mag aaral dapat ako nitong pasukan. 4th yr college na sana ko. Wala din akong work dahil nagstop ako ng March, di ko din naman alam na buntis ako e. Pero ngayon? Sobrang walang wala ko. Di ako nakatapos ng pag aaral, walang trabaho, ni waang ama ung magiging anak ko. Sobrang nadepressed ako sa biglaang sitwasyon ko. Ni sa hinagap ko di ko nakitang magiging ganto ako dahil mataas ang tingin at expectations sakin ng mga nasa paligid ko. Naging matigas lang din talaga ang ulo ko, inuna ko ang bugso ng damdamin, eto napala ko. Pero alam ko malalagpasan ko din to. Sobrang mahirap lang talaga. Pero kahit papano, thankful na din ako dahil magiging mommy na ko. Akala ko kasi never na ko magkakaanak e. O mahihirapan ako magbuntis dahil may PCOS ako. Sobrang pinagppray ko tong batang to, although hindi sa gantong sitwasyon. Kaya dapat pa din na maging thankful na din ako dahil blessing pa din na nagkaron ako ng baby. Hindi ko din alam kung masusundan pa sya o baka last ko na to, we'll never know. Abortion is never my option. But atleast, I will be having a soldier! ? Sana po matulungan nyo ko sa mga katanungan ko habang nagpprepare kay baby. ●Iniisip ko po magcall center na dayshift. Hanggang ilang months po ba kong buntis pwede magwork? Tatanggapin pa kaya nila ko kung 5 months na kong pregnant? ●Pano po sa birth certificate ng bata, malamang po hindi pipirma ung tatay nya dun, pero may nakapagsabi po sakin na pwede ko pa din ilagay ung pangalan ng tatay kahit walang pirma. Pano po ung apelyido ng bata? ●Tsaka makakakuha po ba ako ng benefits sa Philhealth at SSS kung wala akong work ngayon? Kasi buong year ng 2018 nagwwork ako, nagstop ako ng Dec. 5, 2018 then nagwork lang ako ng 3weeks lang ng March this year. ●Pano po ung Solo Parent? Ano pong benefits at requirements para don? Maraming maraming salamat po sa mga sasagot. Malaking bagay po para sakin eto. And please pray for me and my child na makayanan naming dalawa ung mga pinagdadaanan namin. ? Thanks alot and God bless po! ?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

❣️Sis baka makatulong sau to.. itry mo magonline teaching try rarejob. Com. Ph 110 ang bayad nila per hour at home ka magwwork. Binabayaran ka through ur bank account. Mga japanese tturuan mo kaya magalang ang mga students at mababait. Wala akong alam abt sa call center kung tumatanggap sila ng 5 months preggy. ❣️Hindi mo pde ipalagay ung apelyedo ng lalake kung wala xa jan kung hindi kau kasal. Wlang pipirma dun sa section na un na magaacknowldge kay baby. Stay strong sis for u and for baby. Im glad to hear that the baby was ur only option and never abortion.

Magbasa pa
6y ago

Thank you sa info sis! This is so much appreciated. I started to figure out things na din. And ittry ko yung rarejob na sinasabi mo. Thank you so much sa ideas! God bless sayo and sa baby mo. 💙☺🙏

Congrats first kc lo is a blessing to u..take care ur pregnancy!ma avail mo ung benefits ng pilhealth for sure just pay 2400 and potocopy of ultrasound its a big help to u soon!mukhang mlbo ata s call center tumanggp ng agents n pregn Hant kc toxic work stress is there😂.if i wir u be honest to ur parents n lng din of course it hurts for them they will accept u /and forgive u 4sure.u can continue ur studies p din nmn after giving birth

Magbasa pa
6y ago

Blessing talaga sya sis dahil pinagppray ko sya talaga. Salamat sa ha!

VIP Member

Sa 1st question sis. Nag try ako mag apply ng 3months pregnant. Pero lahat di ako inaaccept since I'm pregnant and naapprove na ung extended maternity law kaya magiging loss siya ng company kung sakali. Sa 3rd question for philhealth and sss punta ka na and bayaran mo ung mga hulog for certainty months para makaavail ka pa din.

Magbasa pa
6y ago

I see. Thanks mommy! 💗

I feel you sis .. keep your faith lang and always pray na malagpasan mo yang pinagdadaanan mo .. godbless sainyo ni baby mo

6y ago

Thank you Sis! 💙 appreciate it. ☺