False Positive Serum Pregnancy Test?

Gusto ko lang i-share 'tong personal experience ko about Serum Pregnancy Test. Last February 20 nagpalaboratory ako kasi I was 4days delayed already with my menstrual period and feeling ko feverish ako at ang sensitive ng pang amoy ko, may episode din ng minimal cramps (on and off), bloated din ako. It turns out na POSITIVE ang result ko sa test. Sobrang blessed ng pakiramdam ko but at the same time worried kasi may history ako ng Missed Miscarriage last July 2019 at 8weeks pregnancy pero I kept myself calm na hindi mag isip ng negative. Nagpacheck up ako sa OB ko right away and told me to have my ultrasound after a week and do another serum pregnancy test to confirm my pregnancy. So ayun nga, kagabi nung nag CR ako napansin ko na may very light brown akong discharge nung nagpunas ako after umihi. Naupset ako and keep on thinking kung ano na nangyayari sakin but I'm trying to calm myself na baka implantation spotting lang. Overnight wala ako discharge pero kaninang umaga pagkagising ko may fresh stain na sa underwear ko na brownish to pinkish discharge medyo mas marami than the expected amount for implantation bleeding so nagdecide ako to have my transvaginal ultrasound. Sabi ng sonologist ko thickened ang endometrium ko which is a sign of pregnancy pero pwedeng dahil sa ongoing na menstrual flow ko. Wala rin daw gestational sac dahil baka too early pa daw para mag appear if ever nga na buntis ako. Last menstrual period ko pala is January 16,2020 so kung ibabase jan is 5weeks na dapat ako pero ayun we just had our sexual intercourse ng asawa ko nung 2nd week ng february kaya baka hindi pa talaga makita dahil sa liit. But anyways, pinapabalik ako ng sonologist after 2 to 3weeks to confirm for pregnancy. To be honest, I'm not really expecting too much na. I assumed na false positive lang talaga siguro ung serum pregnancy test ko since kanina nung umuwi ako nag urine pregnancy test ako eh NEGATIVE ung result. To cut this story short, babalik ako after 3weeks pa rin to finally confirm if ever. But above all, I know may better plans pa si God para saming mag asawa and He knows the best for us if ever man wala pa talaga. Thanks for reading. I hope to read replies and comments from everyone. ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baka yung tinatawag nilang Biochemical Pregnancy sya. Try to search it po.

5y ago

I will. Salamat 😊