Mahal ko ang asawa ko????

Gud pm po mga momshie share ko lng po.... di ko po alam kng ano ang pwede nyong sabihin or i comment or advice( please respect ).... happy family kami kahit marami ng pagsubok ang dumating sa buhay namin...nandyan na namatayan na kami ng anak still we have to move on... but suddenly all along akala ko naka move na c hubby ko kc bigla nanumbalik ang kanyang sya at bumalik na rin sa dati ang kanyang katawan... yun pala may kinakausap na pala syang babae na nagco comfort sa kanya... hanggang sa one time na wrong send sya ( ang txt nya ay i love you _________ name ng babae) kinumpronta ko sya hanggang sa inamin nya sa kin na mahal nya si girl....dahil daw masaya saw sya kapag kausap si girl nawawala raw ang problema nya kapag kausap nya.... durog na durog ang puso although gusto ko talaga na maging ok ang hubby ko... pero hindi sa ganong paraan.... hanggang sa lumalim na pagiging magkaibigan nila at umabot na naging sila na... na hanggang ngaun ay ayaw nya pang aminin kahit na alam ko ang nangyayari sa kanila... masakit pero pinipilit kong kayanin para sa anak ko... ayoko ng broken family ayokong walang ama na magiging kasama ang anak ko hanggang sa kanyang paglaki... minsan di ko kayang pigilin ang sarili hanggang sa nag ako ng nag sa kanya kaya ayun nagagalit sya na ang buong akala nya wala akong alam tungkol sa kanilang dalawa ng kabet nya at nagwawala pa kng syay galit halos itumba na ang bahay namin dahil lahat ng hawakan nya tinatapon nya.... ganyan sya magalit parang nilulukuban na ng demonyo ang utak nya.... kaya eto nananahimik n lng ako walang magawa.... minsan nabanggit ko na sabi ko kapag gumawa ka ng kalokohan sabi ko umalis ka sa bahay na to.... ayaw naman nyang umalis..... Sabi ko ayaw ko na dalawa kami sa buhay mo di ako papayag... hanggang sa pinapipili ko sya between me and her mistress... Sabi nya wla akong pipiliin sa inyong dalawa... Gusto kasi nyang mangyare na tanggapin ko kng anong gagawin nya.... na tanggapin ko na may iba syang babae... Ang hirap pong isipin na babalewalain ko n lng kng anong meron sa kanila girl na un.... Salamat at nailabas ko kahit papano ang sama ng loob ko..... Salamat po sa makakabasa nito....

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

For me, pagmas matagal mas mahirap ikaw lng din mahihirapan besides ung anak mo maapektuhan, kung ako sayo kung legal layo pwede ka magsampa nga kso. Ang kapal ng muka nmn nya gawin mo tanggapin mo nlng ung sitwasyon nyo na may babae sya? Kung TOTOO ANG PAGMAMAHAL KA NYA ISASACRIFICE NYA YUNG FEELINGS NA NABUO NYA DON SA BABAE. sainyonv magina nya for me dn kung ayaw nya mas pipiliin ko nlng magisa kesa gnyanh SETUP MAS HABANG BUHAY AKONG MAHIHIRAPAN

Magbasa pa
TapFluencer

Katangahan yung gusto ng asawa mo na tanggapin mo na mayroon syang babae.. habambuhay kang magsusuffer if gagawin mo yun, please lang maawa ka naman sa sarili mo, mahirap at matagal mag move on oo, pero para sa sarili mo at anak mo gawin mo.. kahit pa mahal mo sya, time will heal naman.. mag isip kana ngayon palang, dika nag iisa.. marami din tulad mo, pero mas pinipili ang nakabubuti sa sarili at mga anak nila.. Good luck sayo sis

Magbasa pa

kasal po ba kayo ni mister? if kasal kayo may karapatan kayo sis pede mo sila idemanda basta may proof ka at dapat makatotohanan hindi lang bsta gawa gawa ang ebidensya ngaun kung hindi naman kayo kasal at ayaw mo maging broken family kayo the question is hanggang kelan mo kaya magtiis laging nasayo padin ung huling desisyon. pray at mahalin mo din ang sarili mo sis sana malampasan mo yung problema nyo magasawa

Magbasa pa

ikaw ang legal kaya may karapatan ka. bigyan mo ng leksyon yang asawa at kabet niya. wag kang maging mabait sa gumagago ng relasyon niyo. Respetuhin mo sarili mo. At ate girl, hindi pwedeng walang piliin sainyo ng kabet. kasi sa una palang. yung kabet na ang pinili. Kaya please lang. Wag mong palakihin ang anak mo sa ganyang environment. Mas ok ng maging single mom kesa anak mo ang magssuffer. πŸ˜”

Magbasa pa

Sa panahon ngaun ang legal na asawa pa ang natatakot sa kabit. Ang kapal ng mukha, momshie kaya mu yan, kung ndi mu kaya tiisin un meron sila, kaya mo na wala sya. O kaya bigyan mu ang sarili mu ng space pra makahinga ka. Natatakot ako na mangyari sakin yan, dati din may ngcchat sa asawa ko, puro ndi nya kilala ang snasabi, prang nawawalan ndin ako ng tiwala, ngaun away lang din kami ng away, hay

Magbasa pa

Give him a lesson sis pra matauhan din sya na d tama ginagawa nya in ur eyes and in the eyes of God above all. Bigyan ng palugit. Pag d pa rin nagbago magdevide ka na. Layuan mo muna. You deserved to be loved and to be respected. Gamitin ang utak this time..wag lage puso.. maraming mga ganyan na case pro kinaya nila at masaya sila . Pray the Lord will sustain u in ur decision.

Magbasa pa

Lahat naman siguro ng mga nanay ayaw nila ng walang ama yung mga anak nila, pero wala rin naman sigurong anak na gugustuhin na masaktan ang nanay na/ na magtiis yung nanay nya sa ganyang sitwasyon. Iwan mo na yang asawa mo. Alam natin na mahirap pero yung fact na hindi na nya nirespeto yung relasyon and hindi lang naman sya ang nawalan ng anak for pete's sake. Iwan mo na yan.

Magbasa pa

Mamsh , No waaaay ! Let him go . Wag mo panghawakan yung mindset mong ayaw mo na broken ang family 😭 Ang kupal ng husband mo sobraaaaaa apaka kupal , Alam mo yan sorry sa used word ko. Cmon ! Madami na tayong kayang gawing mga babae nowadays, Kaya mo yan mummy para kay baby β™₯️ Pray lang lagi patatagin pa loob mo para sa junaknak mo πŸ™ Have a HAPPY LIFE Please 😊

Magbasa pa

Mommy did you try confronting the kabet? Pray for your marriage mommy. Isama mo ung husband mo sa church, hanap kayo ng small group na tutulong sainyo. Ung tito and tita ko ganyan din dati, but with the help of the church, nag bago ung tito ko iniwan niya ing kabet niya nging ok sila ng tita ko hanggang ngayon. Pray hard mommy

Magbasa pa

Try mo pong i-less ang pag nag tapos mag-ayos ka po (kung need lang) and also improve yourself yung parang maninibago sya sayo. Also, much better kung maghiwalay na lang po kayo.. Mas toxic ang relationship kapag nagsasama kayo pero puro away. Mas ok kung wala ka nang iniisip na problema kaysa araw araw kang may problema diba?

Magbasa pa