Mahal ko ang asawa ko????

Gud pm po mga momshie share ko lng po.... di ko po alam kng ano ang pwede nyong sabihin or i comment or advice( please respect ).... happy family kami kahit marami ng pagsubok ang dumating sa buhay namin...nandyan na namatayan na kami ng anak still we have to move on... but suddenly all along akala ko naka move na c hubby ko kc bigla nanumbalik ang kanyang sya at bumalik na rin sa dati ang kanyang katawan... yun pala may kinakausap na pala syang babae na nagco comfort sa kanya... hanggang sa one time na wrong send sya ( ang txt nya ay i love you _________ name ng babae) kinumpronta ko sya hanggang sa inamin nya sa kin na mahal nya si girl....dahil daw masaya saw sya kapag kausap si girl nawawala raw ang problema nya kapag kausap nya.... durog na durog ang puso although gusto ko talaga na maging ok ang hubby ko... pero hindi sa ganong paraan.... hanggang sa lumalim na pagiging magkaibigan nila at umabot na naging sila na... na hanggang ngaun ay ayaw nya pang aminin kahit na alam ko ang nangyayari sa kanila... masakit pero pinipilit kong kayanin para sa anak ko... ayoko ng broken family ayokong walang ama na magiging kasama ang anak ko hanggang sa kanyang paglaki... minsan di ko kayang pigilin ang sarili hanggang sa nag ako ng nag sa kanya kaya ayun nagagalit sya na ang buong akala nya wala akong alam tungkol sa kanilang dalawa ng kabet nya at nagwawala pa kng syay galit halos itumba na ang bahay namin dahil lahat ng hawakan nya tinatapon nya.... ganyan sya magalit parang nilulukuban na ng demonyo ang utak nya.... kaya eto nananahimik n lng ako walang magawa.... minsan nabanggit ko na sabi ko kapag gumawa ka ng kalokohan sabi ko umalis ka sa bahay na to.... ayaw naman nyang umalis..... Sabi ko ayaw ko na dalawa kami sa buhay mo di ako papayag... hanggang sa pinapipili ko sya between me and her mistress... Sabi nya wla akong pipiliin sa inyong dalawa... Gusto kasi nyang mangyare na tanggapin ko kng anong gagawin nya.... na tanggapin ko na may iba syang babae... Ang hirap pong isipin na babalewalain ko n lng kng anong meron sa kanila girl na un.... Salamat at nailabas ko kahit papano ang sama ng loob ko..... Salamat po sa makakabasa nito....

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Momsh if i were u iwan m na lng xa..maiintindihan nman ng anak m yan..paliwanag m na lng sa knya ng mabuti na..u wil hav peace of mind kysa mgkasama kau stress nman mkukuha m sa knya...at kasal nman cguro kau file a case pra my ryt u sa laht ng kikitain nya na pwed mong gamitin pra to start a new life w/ ur daughtr..

Magbasa pa

Gud pm... po follow share lang po.... may nakita ako sa messenger ni hubby na nude pics ni girl as in pinicturan nya yng upper part nya at yng lower part at tsaka nya sinend sa messenger ng hubby ko.... sapat na po ba yun para makasuhan si girl... ask ko lng po please respect.....

5y ago

Yes n yes sis

Kung ayaw nyang umalis sa bahay nyo po sis ikaw na muna ang lumayo. Hndi sya kawalan. My baby ka . Mag focus ka nlng muna saknya... Hndi ikaw ang nawalan , kundi ang asawa mo .. sguro pagsabihan mo sya or bgyan mo ng mensahe na alam mong one day maiisip nya ang mga binitawan mong salita.

Sis habang maaga pa. Mas mahirap kapag nagbunga ang pagtataksil nila, may kahati ka na sa puso may kahati ka pa sa mga iisipin. isipin mo ang future ng family mo. Kung hndi kaya ni mister i-let go yung isa, yun na ang desisyon nya. Magdesisyon kna din. God bless sis.

Ang sa akin ay kung kaya mo pang magtiis eh di magtiis ka kasi baka may milagro pa kasi ayaw nya umalis eh! Ikaw b breadwinner s inyo?kung hindi mo na kaya eh di hiwalayan mo na.mas mabuti kasi yong ikaw mismo sa sarili mo sigurado ka na na ayaw mo na sya.

TapFluencer

You have to decide po ma'am this time lumaban ka po para sa karapatan ng baby nyo. Claim what is yours, kung kasal po Kayo malakas po ang laban nyo. Kausapin nyo din po SI mr. Kung ano ba Plano nya sa buhay nya at sa binuo nyong pamilya. #respect

Kung sakin lang sis ako ang aalis kasama ang anak ko...ibubuhos ko nalang ang oras at lakas ko sa anak ko dahil mas kailangan nya ako kaysa naman buo nga kayo lagi naman nakikita ng anak nyo na nag aaway kayo ng asawa mo...

Wag kang pumayag na ginagawa niya yan,sayo baka,kasi kaya malakas loob niya dahil sa alam niyang mahal mo siya at mabait ka maging matapang ka lalo kung kasal kayo wag mong tinatanggap lang yung mga ganun bagay

Sya lang ba nsaktan ng nawala ang baby nyu? Mas emotionally stressfull un sayo.. If i were you lalayasan ko yan.. Communicate with him for the kids only, malalaman nya rin worth mo pagnwala na kayo totally dknya..

Kuha ka ebidence then kasuhan mo tignan natin kung di magmakaawa yan. Masakit man isipin pero yan ang hirap kapag kasal na nakatali kana sakanya kaya kapag gumawa ng kalokoham magdadalawang isip ka muna.