ROTAVIRUS ORAL VACCINE

Graduate narin kami sa ROTAVIRUS. ♥ Kayo mga inay, nabigyan niyo na ba si baby ng ROTAVIRUS? Sa mga hindi po nakakaalam ang rotavirus ay oral na pinapatak kay baby. Sabi ng pedia namin pang-kontra diarrhea yun para sa mga baby natin. Common kasi ang pagtatae sa mga 8 months below diba? Lalo na dun sa mga baby na nag ngingipin at madalas kasi nila sinusubo ung mga bagay bagay or toys. So eto ang sagot para malaban nila ang mga germs! :) May dalawang klase po ng rotavirus oral vaccination, ung isa ay rotateq which is 3 doses at ung isa naman at rotarix na 2 doses. 2 doses lang ung sa amin. Yung unang dose binigay nung 2 months si baby, yung huli naman ay nung 6 months baby ko. Ang price ng rotarix namin 2800 per shot. So dalawang shot yun kaya ang total amount na nagastos namin sa rotavirus ay Php 5,600. Ang mahal ba? Worth it naman yan inay. Para sa baby naman natin yan. Wala pong rotavirus sa health center kaya naman po ay paglaanan po natin ng budget at pumunta po tayo sa mga pedia ng baby natin at itanong kung kelan pwede bigyan si baby ng rotavirus. Para lamang po ito sa mga 8 months baby and below. Kasi sabi po ni doctora, hindi na sya effective sa mga 8 months older. :) Sana nakatulong po. Kung gusto niyo pa ng ibang impormasyon about bakuna, sumali na po sa Team BakuNanay Facebook Group. www.facebook.com/groups/bakunanay Marami din pong mga nanay na sasagot ng inyong mga katanungan at magbibigay ng imporasyon about sa bakuna. See you there mga inay. ♥ #teambakunanay #allaboutbakuna #proudtobeabakunanay

12 Replies

hndi ko npa rota c baby awa nman ng dios mag 2 yrs na sya never syang ng tatae o nilalagnat pag mg ipin at hndi dn sya mahilig mg subo ng kong ano-ano pag may nkikita sya o napupulot e bibigay nya sa amin.

Wow very good naman si baby. :)

kakatapos lang ni baby last December ng last dose and proud to say, walang sayang.. bitin pa nga lagi si baby haha

wow very good naman si baby ❤️

VIP Member

3mos & 19days na si baby ko... Rotarix din yung kay baby 2nd dose na niya ngayon January 4month & 12days...

agree mommy. stay healthy and keep safe!

VIP Member

Sa dalawa kung anak awa ng dios wala po silang bakuna rotavirus..bunso ko mag 1 year 5 months na po.

as long as EBF nmn po kmi hindi na po ako nagwoworry na wala syang rota.

..,ang mahal ng rota vacc.d2 samen...3500...pero ok lang basta safe c baby....

worth it talaga mommy ☺️

2 doses lng din yung sa lo ko before mommy... ❤️

Yeyy ♥ Good job!

..,dis jan.18,2021 rota vac. ni baby...2months xa...

Goodluck baby, lapit na. :)

tanong kolang po, naka ilang bakuna po baby nyo??

hello, more than 5 na po mommy. :)

TapFluencer

Today ko napa Rotavirus si baby 2 months niya.

very good mommy! :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles