ROTAVIRUS ORAL VACCINE
Graduate narin kami sa ROTAVIRUS. ♥ Kayo mga inay, nabigyan niyo na ba si baby ng ROTAVIRUS? Sa mga hindi po nakakaalam ang rotavirus ay oral na pinapatak kay baby. Sabi ng pedia namin pang-kontra diarrhea yun para sa mga baby natin. Common kasi ang pagtatae sa mga 8 months below diba? Lalo na dun sa mga baby na nag ngingipin at madalas kasi nila sinusubo ung mga bagay bagay or toys. So eto ang sagot para malaban nila ang mga germs! :) May dalawang klase po ng rotavirus oral vaccination, ung isa ay rotateq which is 3 doses at ung isa naman at rotarix na 2 doses. 2 doses lang ung sa amin. Yung unang dose binigay nung 2 months si baby, yung huli naman ay nung 6 months baby ko. Ang price ng rotarix namin 2800 per shot. So dalawang shot yun kaya ang total amount na nagastos namin sa rotavirus ay Php 5,600. Ang mahal ba? Worth it naman yan inay. Para sa baby naman natin yan. Wala pong rotavirus sa health center kaya naman po ay paglaanan po natin ng budget at pumunta po tayo sa mga pedia ng baby natin at itanong kung kelan pwede bigyan si baby ng rotavirus. Para lamang po ito sa mga 8 months baby and below. Kasi sabi po ni doctora, hindi na sya effective sa mga 8 months older. :) Sana nakatulong po. Kung gusto niyo pa ng ibang impormasyon about bakuna, sumali na po sa Team BakuNanay Facebook Group. www.facebook.com/groups/bakunanay Marami din pong mga nanay na sasagot ng inyong mga katanungan at magbibigay ng imporasyon about sa bakuna. See you there mga inay. ♥ #teambakunanay #allaboutbakuna #proudtobeabakunanay
@mariellanism • 25 • Mompreneur • VA