Pahelp naman po.
Grade 9 student palang po ako at 6 weeks napo akong buntis, yung bf ko senior high na.Mali po kami, pero di napo namin pwedeng atrasan to. Hindi ko lang po alam kung pano namin sasabihin sa magulang namin.

16 ako nabuntis, nanganak ng 17. Nabugbog at napagsalitaan ng kung anu-anong di maganda ng magulang dahil ako lang din inaasahan nila. Asahan mo na ang mga bagay na ganyan sa edad mong yan. Harapin nyo parehas ang ginawa nyo. Both sides. Ipakita niyong dalawa na kaya niyo dahil una pa lang nagawa niyo na yan. Wag nyo rin sukuan ang isa't isa. Darating talaga ang problema. Sa awa ng Diyos, 9yrs na kami ng LIP ko at mag3 na rin ang mga anak namin. Kaya niyo yan basta magkasama at nagtutulungan kayong dalawa. Nandyan pa rin ang mga magulang para gabayan at pagsabihan kayo.
Magbasa pa

