71 Replies
Ako sis... Tinago ko talaga... Di ko alam kung pano sisimulan o sasabihin sa parents ko... Hanggang sa napapansin na ng nanay ko na lumolobo ako... Tas kinalkal ung bag ko, nakita ubg ultrasound ni baby... Gusto ko pang tumanggi nung una pero huli na talaga e... Tapos after a week, tinulungan nya ako magsabi kay tatay... Sobrang hirap. Daming iyakan ang naganap... Pero hindi naman ako nagawang saktan ng magulang ko... Oo masama ang loob nila, pero blessing ang baby... Saka kailangan mo panindigan yan, be a woman. ❤️
Naalala ko tuloy studyante ko.. hawak ko kzeng level is grade 9. Talaga yang ganyang age nag e explore mga bata. Inunahan pa ako😅😂 kidding aside anak sabihin mo na sa mama mo. Sya lang din maaasahan mo. Tanggapin mo Kung ano man sasabihin NG parents mo pero I'm sure aalagaan ka din nila. Sa studyante ko nung feb. ako nagsabi sa nanay nya😅 may mga naririnig ako tungkol kze sa studyante ko. At lagi kze nag aabsent Kaya nag home visit at sinabi ko nlng.✌️ At least ngayon okay na sila. Accept na nila na buntis anak nila. 😊
This time. Akala ko magagalit parents ko kapag nalaman nilang buntis ako. Pero sinure ko muna na buntis ako kaya nagpacheck up ako. Then nagsabi na ko sa kanila. Akala ko magagalit sila pero natuwa pa sila. Lalo yung kuya ko na nagpapaaral sakin nun. Sabi niya blessing naman yung dadating e. Be strong, kung magalit man sila, hindi palang sila ready or naninibago palang. Pero sooner or later matatanggap na nila yan. Wag mo lang itago ang bata at alagaan mo sarili mo. Godbless💞
Umamin na kayo hangga't maaga para maalagaan ka at ang baby nyo ng maayos. Pero sigurado na ayaw muna nila na magsama kayo ng bf mo kasi bata pa kayo... Tiisin mo lang ang galit nila. Panandalian lang yun. Kaya nyo yan! Need mo na rin agad magpacheckup sa OB para maka inom ka na ng vitamins. Mahirap pag tinago mo yan ng matagal at kulang sa vitamins ang baby, baka mas lalo kayo mamroblema pag sakitin or may complications ang baby mo paglabas. Mas magastos at nakaka stress yun. ..
Okay yan wag nyo na atrasan at subukan ipalaglag. Ako grade 12 student ako. 19yrs old. Diko na tapos school year kasi maselan ako mag buntis. Ayoko naman may mangtare sa baby ko. Kami kasi sinabi namin agad. Una sa magulang nya. Para matulungan kami sa parents ko naman. Nagalit mama ko. Sobraaa. Dami namin pinag daanan. Pero worth it naman lahat. Naging okay na ngayon. 34 weeks and 4 days na kami ni baby. Much better sabihin mo na agad. Para di ka na s'stress.
dapat kasama mo bf mo pag sasabihin mo sa parents mo na buntis ka as respect at sure na pananagutan ka para makampante parents mo na nasa ok na kalagayan ka.. wag mo itago kc magulang at kapamilya nyo lng dn makakatulong sa inyo.. Every child is a blessing, if magalit man o may masabing di maganda kailangan nyo yun tanggapin dahil nga bata pa kayo pero sa umpisa lang yan.. magiging ok dn yan pag tumagal and always keep praying.. kaya mo yan! go girl!
sabihin nyo na ng partner mo hanggat maaga ksi wlang ibang tutulong syo kundi ang magulang mo lang. magalit man sila sayo pagsisigawan ka, pagmumurahin ka, kailangan mo yun tanggapin dahil may mali kang nagawa.. pero sana pagsikapan mo na wag umasa lang sa magulang, maging masikap, magdasal lagi at gwin mo lahat ng makakaya mo at ng partner nyo para hndi naman kawawa ang mga magulang nyo! kaya nyo yan! pray lang lagi!! godbless you!
Girl, tanggapin mo nalang lahat ng galit. Dapat expected mo na yan. Not to judge you or anything but please, nextime, be careful. Gumamit ng condoms or what not. Dahil baka maka isa nnaman after that.. Ung iba hndi natututo sa isa.. Sa dulo, ung mga anak ang kawawa. And try nyo magprovide for the baby. Help as much as possible. Work kayo pag summer, pakita nyo na kaya nyo. Hndi yung iaasa nyo sa magulang..
Sabihin mo na habang maaga pa para maalalayan ka nila need mo ng special care ngaun at wagka ma stress for the safety ng baby mo.. at sana matuto kana sa nangyari..at maging isang responsableng magulang kaung pareho ng bf mo.. masarap ang may anak na mahirap.. dumating lng tlga sa oras na dpa kau ready pero panindigan nyong pareho..makakayanan nyong lahat sa tulong ng panginoon..
Ako 22 yrs old na pero sobrang takot padin mag sabi sa parents hahaha okay lang po yan lakas lang po ng loob. Ang isipin mo nalang po makaka buti sa baby mo yan kaya need mo ipaalam sa parents mo as soon as possible. Humingi ka nalang ng sorry sa parents mo then tanggapin mo lahat ng sasabihin nila hingi ka lang ng patawad sa kanila in the end matatanggap din nila yan