71 Replies

sis much better if sasabihin nyo ng maaga hindi yung mahahalata ka nalang na lumalaki na tyan mo or nagiiba na katawan/itsura mo. siguro masama loob nila sa una pero sure ako matatanggap nila yan kasi apo nila yan. 18 yo palang ako and nagstop ako ng pagaaral nung sept graduate na sana ako ng g12 ngayon, yung bf ko 2nd yr college naman sya. mag 3 months na si baby nung nalaman namin na buntis ako di ko alam pano ko sasabihin sa parents ko lagi ako tinatanong ng mom ko if nagkamens na ko and sinasabi ko oo, kahit nakita na ng mom ko yung 2 pt ko tinatanggi ko padin kahit tinatanggi ko sinabi nya sakin na wag daw ako gagawa ng masama sa baby. hanggang sa nag4 mos na tyan ko and dun ko sinabi na buntis ako super happy ng parents ko and nahahalata na din naman daw ng dad ko na buntis ako kasi lag umuuwi ako sa house namin pumupunta ako ng mall just to buy mais. i thought madidisappoint sila sakin kasi di na nga ako pumapasok, nabuntis pa ko pero happy sila kasi blessing daw si baby. lakasan mo lang loob mo sis :) kaya mo yan, kaya nyo yan ng bf mo. ingatan mo din sarili mo palagi

Hi sis I'm grade 9 student and 16 palang ako at Yung partner ko is grd12 18yrs palang at 4months na pinag bubuntis ko at nalaman ko una nag duda mama ko dahil laging masama Yung pakiramdam ko at tinanong nya ako na dumating naba Yung mins ko nag sinungaling ako sabi ko oo.. Hanggang sa Hindi na dumating ng 4months Yung mins ko at nag PREGNANCY TEST NA AKO at doon ko nalaman na buntis ako.. At ayun positive.. Hindi ako maka paniwala.. Nakta ni mama ko pregnancy test ko at kinausap ako na amo ba daw plano namin sa pinag bubuntis ko.. Sabi ko bubuhayin ko.. Sabi nya wag na wag muyan ipa lalag dahil isang malaking Mali yung mag palaglag yung mga tita at Tito ko sa una lang sila ma galit sa huli matatangap na nila yung bata dahil blessing yan.. Umabot sa time na Hindi ako kinakausap ng lolo ko na nag palaki sa akin pero tiniis ko yun at humingi ng tawad sa lahat ng ginagawa ko.. Ngayun tanggap na AKO nila na buntis at kinakausap na about sa baby at excited na sila makita baby ko dahil 7 months pregnant na AKO.☺😊😊😊

kaya mo yan ako nga sinasabi ng mommy ng bf ko na wag muna daw ako mag papabuntis at kaka 2y/old Lang ng unang baby ng bf ko sa dati niyang gf una tinago muna namin at saka niya na sasabihin pag naka uwi na ako sa province baka papagalitan kami esp yung kuya niya hanggang sa dumating yung araw na napansin na ng kuya na pumayat ako putla tsaka medj malaki tiyan sabi ng kuya niya sakin na mag pa checkup daw ako ayun nalaman na nila dinaman ako pwedeng mag sinungling kasi may mga resita na pinadala sakin nong nalaman nilan sa ultrasound na babae tuwang tuwa sila kasi isa lang babae sa kanilang 4 mag kakapatid and si kuya pa nag bigay ng name niya kaya ok lang yan kasi ang una Kong pinagsabihan na buntis ako ang mama ko at kuya ko Hindi naman sila nagalit tuwang tuwa pa nga ♥️ excited na tuloy umowi mommy ko ngayunh dec.

Have courage and let then know..the sooner the better...magagalit sila maybe..but expected reaction yun..ma di.disappoint sila..yes..consequence yun..dahil as a parent they dreamed of a better future for you...if patatagqlin mo..maaaring mas ikagalit pa nila..at baka mas ma stress klang din kakaisip..which is not good para sa inyo ni baby..pero yung pagbububtis mo naman is just a little setback..pwede and still you can achieve great things parin naman despite becoming a mom at an early age...ang importante you own up to your short comings or yung mga maling choices mo..just strive to be better for yourself and most of all for your child...courage lang talaga and have faith..pray for God's guidance..no matter what happens that little being inside you is precious...

32 years old ako bago magkababy. I am currently on my 22 weeks. Ito ang unang baby sa pamilya na hinintay at ipinanalangin. Iniisip ko muna ang kinabukasan ng pamilya ko at kinabukasan ko dahil may mga kapatid akong maagang nagkababy. NAIINGGIT ako sa kanila kasi sila kahit maagang nagkababy TINANGGAP SILA OPEN ARMS NG NANAY KO. Ngayon malalaki na mga pamangkin ko, masasabi ko na matatanggap yan ng parents mo at PLEASE po huwag mo isipan na gawan ng masama ang baby mo. May mga consequences ka na kakaharapin dapat pareho nyong harapin at matutunan. Gawin mo nalang ay pag aral ka, make them proud kahit nagkamali ka. Matuto sa pagkakamali. I will pray for you. 🙏🏿

Sabihin mo na hanggat maaga. Trust me di ka nila kayang tiisin, remember magulang mo sila. Mahal ka nila. Magalit man sila tanggapin nyo kasi kayo ang may mali. Pero sa una lang yon syempre, normal reaction lang yon ng isang magulang. But at the end of the day they will accept you specially your baby❤️ wag mag iisip ng mali sis ah, your baby is a blessing from above❤️ binigay sa inyo yung pag subok na yan kasi alam nyang kaya nyo💕 tanggapin nyo mga maririnig nyo sa ibat ibang tao, that's part of being a young mother. Para kay baby nyo keep fighting! 💕 Good luck sis, tell your parents na, sila at sila lang din ang karamay nyo sa kahit anong problema💕

I feel you po. Kaso sa case ko naka pagtapos naman po ako ng college this year lang. Hindi ko ma sabi2 sa parents kasi andami nila expectation from me. Lalo na at panganay ako. For the mean time gaya ng ginagawa namin ng boyfriend ko alagaan mo muna si baby with all you might. Go to a public hospital mag pa check up ka. Bilhin mo lahat ng vitamins na binigay sayo and sundin lahat ng sabi ng doctor. One more thing always stay healthy and keep yourself away from stress. Someday soon malalaman din nila situation natin and sana when that day comes ready na tayo to face our parents wrath and the societies judgemental thought. Just pray always. Ingat ka po lage.

only child lang ako tas broken family pa kami. kaya nag iipon ako ng sapat na lakas ng loob para masabi sa kanila.

marami ako grade 9 student na nabuntis at nanganak na... hindi sila pinabayaan ng mga magulang nila 😊😊😊 at nagpatuloy pa din mag aral kahit mahirap ang buhay. lalo pa silang nagsumikap mag aral para sa mga anak nila😊😊😊 ngayon grade 12 na sila at honor student pa. magsabi ka sa parents mo, hindi ka nila pababayaan, aa una lang magagalit at sasama loob nyan, pakatatag ka bhe. yung mga grade 9 students ko naging inspirasyon ko para maging matapang dinako sa buhay. bilib ako sa kanila, kasi nagpakananay sila sa anak nila kaya kahit umabsent sa akn, basta usaping anak, hindi ak magagalitm hehe

14 to 15 years old. usually po yung cases ko ay nag ugat sa mga broken family, hindi nagabayan ng magulang kaya po nung nalaman na buntis anak, doon po sila bumawi sa pagkukulang nila sa mga anak nila para hindi mapariwara at mas naging matibay pa samahan nila. mahirap po talaga sila pero talagang gumagawa ng paraan para maitaguyod ang pamilya.

16 ako nabuntis, nanganak ng 17. Nabugbog at napagsalitaan ng kung anu-anong di maganda ng magulang dahil ako lang din inaasahan nila. Asahan mo na ang mga bagay na ganyan sa edad mong yan. Harapin nyo parehas ang ginawa nyo. Both sides. Ipakita niyong dalawa na kaya niyo dahil una pa lang nagawa niyo na yan. Wag nyo rin sukuan ang isa't isa. Darating talaga ang problema. Sa awa ng Diyos, 9yrs na kami ng LIP ko at mag3 na rin ang mga anak namin. Kaya niyo yan basta magkasama at nagtutulungan kayong dalawa. Nandyan pa rin ang mga magulang para gabayan at pagsabihan kayo.

VIP Member

Hirap talagang sabihin pero kelangan mo po talagang sabihin sa parents nyo. Given na namagagalit sila pero sa huli sila rin ang makalatulong sayo. Ganyan din ako nung nalaman ko ng buntis ako, natatakot talaga akong malaman ni mama ang kalagayan ko. Inuna ko munang sabihin sa mga kapatid ko at ok lang naman sa kanila kaya gumaan ng kunti ang loob ko. Then sinabi ko kay mama, nagalit siya pero kahit masama ang loob nya hindi parin nya ako pinapayaan lalo na sa pagbubuntis ko. Kaya once sinabi mo na sa parents nyo, alam kong di ka nila pababayaan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles