Pa rant about sa partner

Grabeng iyak ko ngayon mga mi. Ramdam ko naman na yung partner ko eh may pagdududa sa pinagbubuntis ko. 36 weeks na ko ngayon. Nasaktan ako nung sinabi kong 37 weeks pwede na ko manganak. Tinanong ba naman ako na bat ang aga? Kesyo nga kasi oct ng 2nd week 2022 may nangyari samin. LMP ko is sept 27. Kakabalikan lang namin non and isang beses lang may nangyari samin nabuntis agad ako. Unexpected kumbaga yung pagbubuntis ko. Wala naman akong naging bf bago may mangyari samin. So ayun na nga expected nya talaga july ako manganganak which is july 4 talaga and edd ko. Eh di ba nga 37 up to 40 tayo fullterm. Nasaktan talaga ako mi. Ngayon lang talaga lumabas sa bibig nya yung tanungin ako ng bat maaga eh oct daw may nangyari samin. Ayoko na magpaliwanag sa kanya na 40 weeks is 10 months ang bilang non. Maximum na yon sa pagbubuntis. Napapaisip tuloy ako kung ipapaapilyido ko pa sa kanya. Total di naman kami kasal. Nakakawalang gana. Sana nung una palang sinabi na nya na ganyan takbo ng utak nya.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Your feelings is valid pero paano mo po nasabi na pinagdudahan ka kung ang sinabi lang namn ng partner mo eh bakit maaga kung October may nangyari? sa pagkakaintindi ko kac parang hindi lang maintindihan ni partner kaya e explain mo nlang po na EDD is yun yung 40th weeks pero may mga cases na 3weeks before that lalabas si baby since fullterm nman siya at 37weeks yung iba nga 36weeks+ or pwedi din 2weeks delay. Sa tingin ko misunderstanding lang po nangyari. Sa apelyedo ni baby, baka magalit si partner kung hindi sa kanya gagamitin eh sa kanya nman yung baby? hindi nman niya siguro sinabi na hindi sa kanya ang bata? Pag-usapan niyo po ng mahinahon.

Magbasa pa
3y ago

pakisabi sakanya na hndi sa araw na nagsex kayo binibilang ang EDD