Labas lang po ng sama ng loob
Grabeh yung disappointment ko sa hospital na pinapacheck up ko🥺 Nung 28 weeks ako Tumakbo kami hospital Kasi sobrang sakit ng tyan ko at balakang TAs sinabi sa akin Wala Silang incubator, need daw ng incubator so pinapirma ako ng waiver na maghanap ako ng incubator sa ibang hospital. Nagtanong pa ako if may pain reliever or other solution Kasi di naman bukas cervix ko at Wala akong discharge. Wala daw so umuwi ako Di Kasi ako naniniwala na manganganak ako that time then umuwi kami sa Bahay at nagpahinga ako halos Di ako gumalaw at sa awa ng diyos umokey ako at malikot nman si baby sa tyan ko Ngayon 35 weeks nangyari na naman this time para akong matatae sobrang sakit talaga pero Wala pa din ako discharge. Pumunta pa din kami ng hospital na yun. Sadly nireject nila ako dahil incubator na naman daw TAs nagpirma na daw ako ng waiver nun kaya Di nila ako tatanggapin at sabi sa susunod wag na ako bumalik dun🥺 TAs Sabi anytime daw manganaganak na ako so need Namin maghanap ng hospital. Nakahanap naman kami pero pagdating dun close cervix ako at inexamine talaga ako halos lahat ng lab ginawa sa akin TAs nalaman sobrang baba ng potassium ko kaya na sweruhan ako dun. Dapat iaadmit ako but this time Di na ako pumayag Kasi close cervix naman na ako at advise sa akin Kumain ng saging at extreme bedrest. Kailangan paabutin ko ng 37 weeks para full term na si baby. Reason bat Di ako pumayag mag admit Kasi Plano nila Doon ako Hanggang sa manganak e natatakot ako sa gastos if magtagal ako dun imagine ilang Oras lang ako dun 6k + na Yung bill namin also pinakiramdaman ko naman din Sarili ko if kaya ko before I make that decision. So Ang nakakalungkot Di ko na alam saan ako manganaganak if ever na due ko na🥺 so maghahanap nalang kami Kasi sobrang disappointed ako sa hospital na pina checheck upan ko imagine halos nagpapakapagod at puyat ka sa pila TAs sasabihin Di naman daw nila ako pasyente🥺😠nakakainis sobra, may donor pa ako sa kanila. Gusto ko umiyak nakakastress Sabi ng Asawa ko lying in nalang pero ayaw ko Kasi dahil first baby ko ito. Alam ko naman na Incase magkaproblema ililipat din ako ng hospital ng lying in magiging hustle pa.🥺
first time mom