Grabe iyak ni baby kapag nagla-latch

Grabe iyak ng baby ko pag nagla-latch. Hindi naman puno ang diaper, wala namang rash, hindi naman matigas ang tiyan. Tapos mababaw pa yung tulog kahit sa gabi. Ano po bang ibig Sabihin pag ganito? Baka Ayaw na ng milk ko? Ayoko pa sana siyang i stop mag breastfeed. Nakaka-frustrate 🥺 feeling ko kasi may mali sa ginagawa ko kasi hindi ko maintindihan si baby ko ngayon 😣 turning 3 months na siya.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

growth spurt po yan mami. ganyan din po si baby ko nung nasa between 6-8 weeks siya (lalo na nung 7 weeks). grabe po yung iyak nya kapag naglalatch sya sakin. btw naka mix feed si baby pero once or twice a day lang yung formula nya o kaya kapag aalis ako at hindi ako nakapag pump. pero nung nasa stage kami ng growth spurt, naging more on formula siya kasi feeling ko ayaw na niya dumede sakin dahil iyak siya ng iyak, pag nag try siya mag latch sakin mga 3 latch lang iiyak na siya kaya wala kaming choice kundi mag timpla muna ng formula. naiiyak na ako non kasi gusto ko talaga more on breastfeed kami kung pwede nga lang pure bf siya kaso hindi ko kaya. kaya patong patong yung guilt, akala ko talaga aayaw na siya. nung nasa 8 weeks na kami, balik na kami sa dati. minsan sa isang araw pure bf lang talaga siya. akala ko talaga aayaw na siya magdede sakin. kailangan lang talaga habaan ang pasensya kapag nasa stage ka ng growth spurt kahit nakakaiyak na minsan, pero isipin natin na mas kailangan tayo ng anak natin kasi hindi nila alam kung ano yung nagbabago sa katawan nila kaya sila nagkakaganon. laban lang mami. lilipas din yan. ingat. 🥰

Magbasa pa