Grabe iyak ni baby kapag nagla-latch

Grabe iyak ng baby ko pag nagla-latch. Hindi naman puno ang diaper, wala namang rash, hindi naman matigas ang tiyan. Tapos mababaw pa yung tulog kahit sa gabi. Ano po bang ibig Sabihin pag ganito? Baka Ayaw na ng milk ko? Ayoko pa sana siyang i stop mag breastfeed. Nakaka-frustrate 🥺 feeling ko kasi may mali sa ginagawa ko kasi hindi ko maintindihan si baby ko ngayon 😣 turning 3 months na siya.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

growth spurt po yan mami. ganyan din po si baby ko nung nasa between 6-8 weeks siya (lalo na nung 7 weeks). grabe po yung iyak nya kapag naglalatch sya sakin. btw naka mix feed si baby pero once or twice a day lang yung formula nya o kaya kapag aalis ako at hindi ako nakapag pump. pero nung nasa stage kami ng growth spurt, naging more on formula siya kasi feeling ko ayaw na niya dumede sakin dahil iyak siya ng iyak, pag nag try siya mag latch sakin mga 3 latch lang iiyak na siya kaya wala kaming choice kundi mag timpla muna ng formula. naiiyak na ako non kasi gusto ko talaga more on breastfeed kami kung pwede nga lang pure bf siya kaso hindi ko kaya. kaya patong patong yung guilt, akala ko talaga aayaw na siya. nung nasa 8 weeks na kami, balik na kami sa dati. minsan sa isang araw pure bf lang talaga siya. akala ko talaga aayaw na siya magdede sakin. kailangan lang talaga habaan ang pasensya kapag nasa stage ka ng growth spurt kahit nakakaiyak na minsan, pero isipin natin na mas kailangan tayo ng anak natin kasi hindi nila alam kung ano yung nagbabago sa katawan nila kaya sila nagkakaganon. laban lang mami. lilipas din yan. ingat. 🥰

Magbasa pa
VIP Member

May ganyang stage po yata talaga ang mga babies. Dumaan din po kami jan which also made me doubt if I am producing enough milk for the baby. Pero tyinaga ko lang po. Super helpful po na supportive si hubby sa breastfeeding choice namin. So when I am thinking of giving up, he’s there to encourage me to keep going. Nakatulong din po yun isang beses that I went to a lactation consultant. Nabigyan ako more encouragement and tips about correct latching, positioning, etc. And lastly, yun mga breastfeeding groups particularly Breastfeeding Pinays is very helpful po. Daming knowledge. Take note po na second baby ko na ito ah. And I breastfed my firstborn for almost 4years pero nahirapan pa din ako sa first 3 months ni baby. Thankfully, he is now turning 5 months and I can say that things are getting better. Hang on, momma. You’ve got this.

Magbasa pa

Hele lang po gusto nyan, ganyan din baby ko nung first one week niya sakin. Hele at kausapin po, kantahan mo po. Medyo andoon parin po adjustment nila kaya minsan try to mimick kung paano sila nasa loob ng womb natin dati like putting swaddle po. Napanuod ko lang po yan sa isang mommy blogger

same sa baby ko during newborn stage nya. nagkakapaan pa kayo mag Ina. tyaga lang eventually masasanay Rin sya sayo. ☺️

ganito ung lo ko dti, kya nagfm n kmi. kc feeling ko dn noon kulang at hrap sya ilatch nipples ko at hrap tlga ako.

2y ago

pinatry ko po siya mommy ng formula, ayaw dn niya. ayaw dn niya magdede sa bote. Magiiyak na siya kapag nkapwesto pa lang para magdede. pero kapag gabi o madaling araw, hindi naman siya umiiyak. diretso dede agad siya sakin

baka po kapos cia.. di cia nabubusog sis... mix nln. po. kayo..

marami ba kayong milk? baka di sapat yung na dedede nya kaya naiyak

2y ago

okay naman po yung milk ko mi. minsan nabibilaukan kasi madami lumalabas kapag dumedede siya

position po at tamang latch ang check mo mommy

di po ba kaya tongue tied si baby?

VIP Member

growth spurt yan mi. lilipas din yan

2y ago

+1