PAADVICE PO

Goodmorning po! Palabas ng sama ng loob mga mamsh. :( Im 6months pregnant ftm. Nag away kami ng lip ko about sa pagpapaultrasound. Kasi mas gusto ko na magCAS or ipa4d yung ultz samantalang siya gusto niya yung mumurahin lang. May ipon na po kami for baby pero parang ayaw niya ipagalaw sakin. Gusto ko lang naman malaman kung maayos yung anak ko sa sinapupunan ko kaya gusto ng ganung ultz pero bakit hirap na hirap siyang umoo. Sinasabi niya na pangsosyalin lang daw yung ganung ultz. Ang gusto ko lang naman mga sis maging special yung anak ko. Sa buong buhay ko minsan lang tong ganto. Gusto ko maayos lahat dun lang ako makakapante. Pero halos maiyak nalang ako dahil nagkasagutan pa kami ng lip ko dahil sa ganun. Nag ipon kami for baby. Usapan namin for baby talaga lahat yun pero hirap na hirap siya ipagalaw. Hindi naman ibang bagay ilalaan lang yung gastos. Para sa anak naman namin. Iniisip niya iisipin ng magulang niya na papagalitan siya kasi di kami praktikal. Eh pinag ipunan nga yun para dun. Ewan dumidipende siya lagi sa sasabihin ng iba. Mukhang maaga ako manganganak dahil sa stress. ???

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi Sis, yung CAS need tlaga yun pero kahit hindi mo na ipa 4D. Tingin ko naman sa partner mo nagiging praktical lang. Ako mag pa 4D ako. Pero sa totoo lang nanghinayang ako kasi ang mahal hindi naman worth it. Hindi gaano kita yung face ni baby kasi naka talikod siya madalas. Naka 4 balik ako sa Clinic para lang makita ng maayos. Pero wala ee sa baby gusto nakatalikod palagi. Yung 4D pang file lang naman. Pang post sa facebook. Pero sa totoo hindi naman neccesary. Kapag nanganak ka na dun tlaga maraming gastos. Kaya yung inipon niyo ilaan mo nalang sa panganganak mo at kapag anjan na si baby.

Magbasa pa

Sa pgh ka mg pa ultra sound mura lng pero maganda machine nila mkikita lhat ng parts ni baby hanggang loob.. Minsan need dn ntn mging praktikal at mautak kc di natin alm mangyayari sa hinaharap kht pa my ipon ka ii di lng jn natatapos gastusin mo mas mdami k pang gagastusin aftEr mong manganak.. Kaya pray lng dn lagi na mging healthy c baby mging maingat sa kilos at mga kinakain mo pra di maapektuhan c baby gwin ung mga bilhin ni o.b inumin lht ng vitamins.. Palawakin ntn ung isip ntn ksi sa panahin ngayon wlang mura at libre.. Just a little advice malay ko bka mkatulong.. Ingat..

Magbasa pa
6y ago

cas na po yun?

Alam mo sis para lang din sa baby nyo yung ginagawa nya. Okay sabihin na nating may ipon kayo eh paano kung sakaling may emergency? Para hindi nga naman kulangin. Tsaka hindi lang naman pagkapanganak mo natatapos ang lahat eh. Bawi nalang paglabas ni baby hehe ganyan din kami pero sakin okay lang wala pa ngang print yung ultrasound ko nun eh. Buti na nga lang at hindi ako nagpumilit dahil na ECS ako tapos one week palang may issue na agad si LO kaya sa pedia naman kami suki. Kaya kung hindi mo naman kailangan wag nalang. Mas okay nang may sosobra wag lang kukulangin.

Magbasa pa

sa dalawang pregnancy ko sis.never ako nagpa4D. actually,kahit CAS lang ok na.naintindihan ko lip mo,kasi praktikal lang sya.hindi naman ibig sbhn na ayaw nya, ayaw na nya maging special si baby. looking forward lang sya sa maaaring mas paggamitan ng pera,lalo in the future may mga unexpected na gastos. kahit may ipon kayo, maraming gastos na in the future. pwede kayo magseek ng advise sa ob kung need ba talaga o saan mas mapapamura kayo pero malalaman na ok si baby sa ultrasound. no need naman maging issue yan sis, nasa tamang pag.uusap lang at pag.intindi

Magbasa pa

Maganda yan para makita kung meron anomalies. Mas kampante. Sa akin naman, yung asawa ko yung gustong gusto niyan, sobrang excited siya nun. :) Pero medyo mahal din kasi kaya intindihin mo na lang din LIP mo, di madali kumita ng pera kahit pa may ipon kayo. Hindi kasi natin alam ano pwede mangyari pag nanganak na, gaya sa akin na Emergency CS. Pero thankful talaga ako na supportive ang husband ko at kung hundi naman, di naman siguro dapat pagmulan yun ng tampo. Importante ang understanding and siyempre dapat masaya ka lang para di mastress si baby.

Magbasa pa

Nung nagpag3d/4d ako, sarili kong pera ginamit ko since yung asawa ko ayaw din ng ganun ultrasound. Katwiran nya ok naman yung transv at abdominal utz ko. Ramdam ko naman yung pakiramdam mo, pero naintindihan ko din kasi mister mo mas maganda kasi yung nakalaang pera sa baby nyo ay magamit sa paglabas nya at habang lumaki. Di mo rin naman kasi maexpect kung ano pwedeng maging gastos habang di ka pa nanganak. Isa pa kung di naman nirequire ni ob for sure walang problema baby mo. Smile ka na mommy wag kang magpastress. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Ako nman sis nirequire kami ni OB na magoa CAS tlga kasi my case ako na nakapagpainject ng MMR vaccine nung 3 weeks na pala akong preggy diko alam. Para malaman kung okay development ng baby ko sa loob. Okay lang yan sis kung hndi nman nirequire ni OB mo ipa CAs ka po khit normal lng na utz or yung ibang suggestion ng ibang mommy kahitnyung 2D lng para makita khit opano mejo malinaw sa loob si baby. Wag ka na malungkot ipagpray nlng din natin mga baby natin na maging healthy at normal. 😊😇

Magbasa pa

Need yung CAS pero di naman na kailangan i4D kasi mahal yun practical lang si lip mo isa pa nakikita na lahat sa CAS e malinaw naman dun totoo naman sa practical n tao pasosyal lang yung 4D...sa opinion ko lang naman kasi yung CAS nga lang mahal na pano pa kung i4D mo mas lalo na wag din sasama loob mo kasi mahirap kumita ng pera din lahat naman tayo gusto ng best sa baby pero sa panahon ngayon kailangan mong maging practical.importante makita mo na kompleto lahat sa baby mo walang deperensya.

Magbasa pa

Ung sakin 3D lang pero nakita ko lahat ng parts and malinaw. Siguro may point din naman si lip mo kasi tho may ipon kau, mas maganda ilaan nalang sya sa ibang bagay like maybe, sa panganganak. Di naman natin hinihiling pero we wiol never know if pwede ka ma-CS or di makapagpabreastfeed. So magagastusan talaga. Hindi naman sa hinihiling pero expect for the worst and hope for the best nalang tau momsh. If di naman, edi saving nyo nalang ung natirang ipon.

Magbasa pa

Wag ka na po mabeast mode momsh. Baka gusto din nya talagang magsave kasi napakarami pang gagastusin sa panganganak at paglabas ni baby. Maganda nga po yung 4D ultrasound sigurado na makikita mo kung ok ba si little one pero ok din nman yung regular na ultrasound atleast diba masusurprise ka pagnakita mo n talaga si baby. hehe... be positive n lang momsh. Hindi makakatulong sayo ang mastress ng sobra. Pray mo n lang na magbago isip ni hubby mo. 😁

Magbasa pa